KASALUKUYAN na naghihintay si Adam ng flight niya pabalik ng San Martin para surpresahin ang asawa. Kasabay niya ang Daddy niyang uuwi. Bigo man sila sa ngayon na maibangon ang negosyo ng pamilya nila mula sa pagkalugmok, kahit paano ay may ligaya pa rin sa puso ni Adam siyang nararamdaman. Iyon ay dahil sa isipin na sa pag-uwi niya ay my asawa siyang naghihintay sa kanya. Baliw na nga siguro siya pero iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi na mahalaga sa kanya ang kayaman ng magulang niya na mamanahin niya sana. Ang importante sa kanya ngayon ay si Kristel. Malungkot siya dahil pinaghirapan iyon ng parents niya ngunit hindi pa naman siya sumusuko… Ilalaban pa rin niya ito. Pero sa ngayon ay kailangan lang talaga niyang makita at makasama ang asawa niya para magkaroon ng lakas na ipagpat

