UMUWI si Adam na bigo na makuha ang loob ng mga negosyanteng nakausap niya na makakatulong sana sa pagbangon ng kumpanya ng pamilya niya. Masyado daw malaking tao sa business world ang nakabangaan niya. Lahat ay takot madamay sa galit ng isang Alexander Altmann na lubos naman niyang naiintindihan. Sa mundo ng negosyo ay hindi basta puso lang ang dapat pairalin. Dapat matalino ka rin sa pagpili ng kakampi at kaaway. Natural na pipiliin ng mga negosyante na huwag bumangga sa isang dambuhalang pader at gustuhin na huwag makialam sa away nilang dalawa. Ang mga kalaban naman ni Xander sa negosyo katulad ni Zayn Greco Chua ng China Shipping Line ay masyadong tuso at gustong samantalahin ang kahinaan ng RCC. Sa hinihingi nitong 10% share of stock kapalit ng pagta-transport ng goods ng RCC. Kung

