NANG sumunod na araw ay balak sana ni Kristel na kausapin ang biyenan na babae tungkol sa nangyari at makapag paliwanag ngunit pagbaba niya ay tama naman na paalis ito kasama si Mia at Shawn Aldwin at mamamasyal daw. Habang tinitingnan ang mga ito na masaya at excited kung saan man balak ng mga itong mamasyal ay hindi maiwasan ni Kristel na makaramdam ng awa para sa sarili. Bakit pakiramdam niya ay parang biglang nawala ang lugar niya sa bahay na ito. Mas lalo niya tuloy na miss ang asawa niya. Kung nandito siguro si Adam ay baka hindi niya nararamdaman ang maging mag-isa. Hindi naman niya masabi sa asawa niya ang mga nangyayari habang wala ito dahil ayaw niyang makadagdag pa iyon sa tensyon at mas lalo pa siyang lumabas na masama sa paningin ng biyenan. “Ma’am Kristel, ano daw po ang

