KAHIT masaya si Kristel sa piling ni Adam ay hindi pa rin maiwasan na isipin ni Kristel ang matalik na kaibigan na si Xander. Nag-aalala talaga siya dito. "Torn between two lovers, feelin' like a fool. Loving' both of you is breakin' all the rules," narinig niyang kanta ni Devon. Sa sobrang layo ng iniisip niya hindi niya namalayang ang presensiya nito. "Nandito ka pala." "Actually, kanina pa. Kaso sa sobrang lalim ng iniisip mo hindi mo talaga ako mapapansin." "Anong ginagawa mo dito? Wala naman tayong trabaho ngayon ah." "Wala akong magawa sa bahay eh. Wala rin naman akong mapuntahan. Kaya pinuntahan nalang kita, baka kako kailangan mo ako dito. Baka lang kako kailangan mo ng kausap." "O baka lang gutom ka..." biro ni Kristel kay Devon. Nakasanayan na kasi nitong gawing restaur

