PAG-UWI ni Adam ay dumeretso ito sa mini bar at nagsalin ng alak sa baso at dinala sa sariling bibig. Sa sobrang bigat ng nararamdaman niya ngayon ay kailangan niya ng pampamanhid kundi ay baka masiraan na siya ng bait. Kanina ay takot na takot siya ng makita ang pag-aagaw buhay ng ama. Buong akala niya ay mawawala na ito sa kanila. Mabuti nalang at nagkataong nasa ospital si Nathan at naka-duty, naagapan nito agad ang Daddy niya. Heart attack daw ang nangyari sa Daddy niya. Ligtas na ito sa panganib sa ngayon ngunit hindi pa nila alam ang maaring maging side effect ng nangyari. Alam ni Adam na sobrang sakit para sa katayuan ng Daddy niya ang makita ang unti-unting pagguho ng pinaghirapan nito ng buong buhay nito. Ganun pa man ay wala siyang narinig mula sa ama. Muli nagsalin ng alak

