MULA ng umuwi si Adam at mangyari ang sagutan nito at ng inang si Cynthia na dahilan ng atake sa puso ng biyenan na lalaki ay hindi pa nakakausap ni Kristel ng masinsinan ang asawa. Sobrang abala ito sa maraming bagay. Maaga itong umaalis at pumapasok sa opisina sa branch ng RCC sa San Martin at halos hating gabi na rin kung umuwi. Minsan ay nakakatulogan na niya ang paghihintay dito sa gabi at paggising niya ay nakaalis na ito. Si Xander naman ay sinubukan niyang tawagan ngunit napag-alaman niyang out of the country daw ito ayon sa secretarya nitong nakausap niya noong tawagan niya ito sa opisina nito. Naglalakad-lakad si Kristel sa may flower garden habang nag-iisip ng solusyon sa mga problema nila ng lapitan siya ni Mia. “Know what? This is also my favorite part in this house… Sob

