"Sabihin mong pinlano mo ang lahat nang 'to, Nicole," mariing saad ni Alexander nang kausapin niya ito tungkol sa eksenang nadatnan ng kanyang asawa. "Sa tingin mo, magagawa ko ang bagay na 'yon, Alex?" tanong din nito sa kanya. "Akala ko ba magbabago ka na. Kakausap pa lamang nating aayusin mo na ang lahat pero bakit ganu'n, Nicole?" Nagsisisi siya kung bakit nagpauto siya rito nang sinabi nitong gusto itong makipag-ayos sa kanya. Gusto lang din naman niya ng kaayusan pero bakit ganito ang naging kinahantungan ng lahat? "Kasalanan ko ba kung ginusto mong matikman uli ang katawan ko?" Bahagyang napaawang ang mga labi ni Alexander sa kanyang narinig at hindi niya napigilan ang sariling mapatawa ng pagak dahil sa tinuran ni Nicole. Hindi niya alam kung saan ito kumukuha ng lakas ng

