"Xia?" Mapupungay pa ang mga matang sambit ni Alexander sa kanyang pangalan habang si Nicole naman ay halos hindi makaimik habang nanatiling nakatingin sa kanya. Mabilis na bumangon si Alexander kasabay ng pagbangon ni Nicole habang hawak-hawak nito ang dulo ng kumot na nagsisilbing tabing sa kanilang katawan. Nang napatingin si Alexander sa katabi nito ay gumuhit sa mukha nito ang pagtataka kung bakit katabi nito si Nicole at nang tingnan nito ang sarili nito, nang napagtanto nitong hubad ito kagaya ng katabi nitong si Nicole ay sobra itong nagulat at lalo lamang itong nagtataka. "What is happening?" nagtatakang-tanong nito kay Nicole na tahimik lamang sa tabi nito. Napatingin ito sa kanya at nang makita ni Alexander ang kanyang mga luha ay saka lamang itong bumalik sa matinong pa

