"Anong kailangan mo?" tanong ni Alexander kay Nicole nang nakipagkita ito sa kanya sa isang bar. "Gusto ko lang ayusin ang kung ano mang namamagitang sigalot sa atin," sabi nito saka tumungga ng alal sa hawak nitong baso ng alak. "Sorry," dagdag pa nito habang nakatingin sa kanya. "Sa totoo lang, hindi ka dapat sa akin humingi ng sorry, kay Xia dapat," pahayag ni Alexander saka nakita niya ang pag-iwas ng tingin ni Nicole. "I don't have enough courage to do that dahil alam ko naman kung gaano ko siya nasaktan," mahina nitong sabi. "Kilala mo naman si Xia, hindi mahirap pakiusapan 'yon." "Ganu'n mo ba talaga siya kamahal?" tanong sa kanya ni Nicole habang mataman siya nitong pinagmasdan. "Nicole, alam kong nasaktan kita. Alam kong masakit pero sana, hahayaan mo na lamang kaming dal

