"Xia?" Napahinto si Xia sa kanyang paglalakad papasok sa apartment na kanyang tinutuluyan nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa nang tawagin siya nito. Tahimik lamang si Alexander habang nakaupo siya sa sofa sa loob ng apartment habang si Xia naman ay abala sa paghahanda ng kanilang magiging hapunan. Makalipas ang ilang sandali ay pareho na silang nakaupong magkaharap sa dining table kung saan nakahain na ang kanilang hapunan. "Kumain ka na," aya ni Xia ang kanyang asawa at agad naman itong tumalima at habang abala sila pareho sa pagkain ay lihim na pinagmamasdan ni Alexander ang kanyang asawa. Halos wala pa rin itong pinagbago sa physical nitong anyo. Siya pa rin ang Xia'ng nakasama niya sa loob ng ilang taon, ang babaeng pinangarap niya, ang babaeng minahal niya at mamahali

