"Is she still important right now?" tanong ni Alexander sa asawa niya sa boses na para bang napipikon. Bakit pa kasi lagi nitong isinaalang-alang ang mga taong hindi naman ganu'n kahalaga para sa kanilang dalawa. "She's my friend, Alex. Parang kapatid ko na siya. Sa tingin mo ba, magagawa ko siyang balewalain matapos ang ilang taon naming pagsasama?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Xia sa kanyang asawa. "Paano naman ako, Xia? Huwag mong sasabihin na kaya mo akong balewalain kapalit ang kaibigan mo." Hindi siya umimik pero ang mga luha niya ay tuluyan nang bumalong sa magkabila niyang pisngi. Muling hinawakan ni Alexander ang kanyang mga kamay habang nakikipagtitigan ito sa kanya. "Pwede ba this time, sarili naman muna natin ang ating iisipin bago ang ibang tao, Xia?" "Nasasabi niyo

