CHAPTER 19

1698 Words
"Hi, you're here," nakangiting bati ni Xia sa kanyang asawa nang nakauwi na ito nang gabing 'yon. Napatingin si Alex sa kanilang dining table nang mapansin nito ang mga pagkaing nakahain sa ibabaw. "What is this?" tanong nito sa kanya habang nakatuon ang mga mata nito sa mesa. "I prepared a dinner for us," nakangiti niyang sagot saka dali-dali niyang nilapitan ang kanyang asawa saka niya kinuha mula sa kamay nito ang dala nitong suitcase at inilagay niya ito sa ibabaw ng kanilang sofa habang nanatiling nakasunod lamang ang mga mata ni Alex sa kanya. "Let's eat," aya niya saka niya ito hinawakan sa braso nito pero agad naman nitong inalis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak niya rito. "I'm already done. I ate outside with my co-director," sagot nito saka ito agad na umalis sa kanyang harapan na hindi man lang siya nagawang tingnan uli upang tanungin kung nakakain na ba siya. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan na lamang ang likuran ng kanyang asawa na unti-unti nang nilalamo ng kanilang kwarto hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit sa kanilang dining table na para bang wala nang lakas. Muli na namang nangingilid sa gilid ng kanyang mga mata ang kanyang mga luha pero pilit niya itong pinigilan. Hindi siya susuko hanggang sa muli niyang makuha ang loob ng kanyang asawa. Aminado naman talaga siya na may mali siyang nagawa kaya gagawin niya ang lahat just to fix her relationship with her husband. Kinabukasan, nang lumabas si Alex mula sa banyo dahil katatapos lang niya maligo ay napatingin siya sa ibabaw ng kama nang mapansin niya ang nakatuping damit na nakapatong sa ibabaw nu'n. Ginagawa naman talaga ito ni Xia sa kanya magmula pa noon pero nahinto ito nang magsimula ang hindi nila pagkakaintindihan at heto, nagtataka siya dahil muli na naman nito ginagawa para sa kanya. May kailangan ba sa kanya si Xia kaya bigla itong naging mabait sa kanya? Nang kukunin na sana niya ang damit na ipinatong nito sa ibabaw ng kama ay siya namang pagbukas ng pintuan at iniluwa iyon ni Xia. "Hi, good morning," nakangiti nitong bati sa kanya saka ito agad na lumapit sa kinaroroonan ng kanyang damit. Kinuha nito ang damit saka ito humarap sa kanya. "Here," sabi pa nito at nakaunat ang mga braso nito na para bang bibihisan siya nito. "What are you doing?" nagtataka niyang tanong. "Let me dress you up," nakangiti pa rin nitong saad. He released an exasperated sighs saka niya pinagmasdan nang maigi ang kanyang asawa. Bigla niyang inagaw ang damit na hawak nito na siya namang labis na ikinabigla ni Xia. "I'm not disabled person. I can dress myself," pahayag niya saka niya pabagsak na inilapag sa ibabaw ng kama ang damit na inihanda ni Xia para sa kanya saka siya lumapit sa kanilang closet at kumuha siya nag panibagong damit at iyon ang kanyang isinuot. Hindi na nakaimik pa si Xia habang piangmamasdan niya ang kanyang asawa na nagbibihis. Mangiyak-ngiyak na tinapunan niya ng tingin ang damit nitong inihanda niya para rito. Masakit. Oo, masakit para sa kanya ang eksenang nakita. Masakit para sa kanya ang inasal ng kanyang asawa. Pagkatapos magbihis at ayusin ni Alex ang sarili sa harapan ng salamin ay agad na itong lumabas ng kanilang kwarto na wala man lang sinasabi sa asawa nitong natutulala pa rin sa inasal nito. Nang paalis na sana siya ay mabilis naman siyang hinabol ni Xia. "Hindi ka ba mag-aalmusal muna? Nakahanda na ang pagkain sa mesa." "Sa kompanya na ako kakain," malamig nitong saad saka agad na binuksan ang pintuan ng sasakyan at nang papasok na sana ito ay agad naman itong pinigilan ni Xia sa braso. "What?" tanong nito na para bang naiirita na dahil sa pagiging makulit ni Xia. Nakangiting napatingin si Xia sa kanyang asawa na naguguluhan pa rin dahil sa kanyang mga pinaggagawa. Dahan-dahan siyang tumingkayad at nang dadampian na sana niya ng halik ang mga labi ni Alex ay agad naman itong umiwas na siyang nagpadismaya sa kanya nang lubos. "I'm gonna be late," saad nito saka nito agad na inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito at walang pag-aalinlangang pumasok ito ng sasakyan. Agad nitong pinatakbo ang sasakyan paalis matapos nitong pinaandar ang makina. Napatulala siya at halos hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Napatingin siya sa sasakyang paalis na lulan ng kanyang asawa habang hindi niya namamalayan ang dahan-dahan na pagdaloy ng kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. May mga luha pa rin ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa mga pagkaing inihanda niya para sana sa kanilang almusal nang araw na 'yon. Laha ng effort niya ay napunta lamang sa wala. Ang lahat ng pagod niya ay nasayang lamang. Ano pa nga ba ang dapat niyang gagawin upang magiging maayos na ang kanilang pagsasama? Ano pa nga ba ang dapat niyang papatunayan sa kanyang asawa na nagsisisi na siya sa kung ano man ang kanyang mga nagawa? Kahit anong mangyari, hindi siya susuko. Hindi siya hihinto hanggang sa tuluyang muling lumambot para sa kanya ang puso ng kanyang asawa. "How's your work?" tanong ni Nicole sa kanya habang subsob siya sa kanyang mga ginagawa. "Okay lang naman. Ikaw diyan? May maitutulong ba ako sa'yo?" tanong naman niya rito. "No, it's fine! I'm okay here," sagot naman nito na may ngiti pa sa mga labi. "Kakain tayo sa labas mamaya," pabulong na saad ni Martha sa kanya. "Pass muna ako kasi kailangan ko munang umuwi nang maaga," pabulong din niyang sagot. "Bakit?" tanong ni Martha sa kanya sa boses na may kalakasan kaya narinig iyon ni Nicole. Napaangat ito ng mukha at napatingin sa kanilang dalawa. "Kailangan ko munang ayusin kung ano mang misunderstanding na namamagitan sa aming dalawa ni Alex," pahayag niya habang nakatuon ang kanyang mga mata sa mga documents na hawak-hawak niya. "Hanggang ngayon ba, hindi pa rin kayo okay?" singit naman ni Nicole. Marahan siyang napatango bilang sagot sa tanong nito sa kanya. "Mahirap 'yan kaya hangga't maaga pa, maayos niyo na 'yan," dagdag pa nito. "Don't worry. Everything will be fine," nakangiti namang saad ni Martha sabay tapik sa kanyang balikat. Kagaya ng sinabi niya sa kanyang mga kaibigan. Maaga nga siyang umuwi para maipaghanda niya ng hapunan ang kanyang asawa na alam niyang pagod ito galing sa trabaho. Inabala niya ang kanyang sarili sa pagluluto. Sa paghuhugas ng mga lulutuin at sa paghihiwa. "Ouch!" sigaw niya nang biglang dumulas ang kutsilyo na ginagamit niya dahilan upang mapunta ito sa kanyang daliri at nahiwa ito ng konti. Napangiwing agad niya itong ipinailalim sa umaagos niyang faucet. Hinugasan niya ito bago niya ito ginamot. Pagkatapos niyang gamutin ang kanyang sugat ay nilapatan niya ito ng bandaid para kahit papaano ay hindi ito magalaw. Nang maayos niyang nagamot ang sarili ay agad siyang bumalik sa kanyang ginagaw. Kailangan niyang matapos sa pagluluto bago pa man dumating si Alex. Pagod na pagod siya nang matapos siyang magluto. Nang maayos na niyang nailagay sa kanilang dining table ang mga pagkain na kanyang niluto ay agad siyang naligo, nagpalit ng damit at talagang inayusan niya ang kanyang sarili para naman maganda siya sa paningin ng kanyang asawa sa pagdating nito. Naglagay pa siya ng pabango sa katawan at konting pulbo sa mukha at lipstick sa kanyang mga labi. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin saka siya ngumiti ng kaytamis. "Sigurado akong mai-in love uli sa akin ang asawa ko," nakangiti pa niyang saad habang nakatitig siya sa kanyang sarili sa harapan ng salamin. Matapos niyang ayusin ang kanyang sarili at masiguro na okay na ang lahat ay agad din siyang lumabas sa kanilang kwarto at sa sala na niya hinintay ang pagdating ng kanyang asawa pero nakalipas lamang ang ilang sandali ay hindi pa rin ito dumating hanggang sa nakaramdam na siya ng pagkabagot sa kahihintay dito. Agad siyang napatingin sa kanyang phone nang marinig niya ang pagtunog nito. Dali-dali niya itong kinuha mula sa ibabaw ng center table at napakunot ang kanyang noo nang hindi niya kilala ang caller niya nang mga sandaling iyon pero sinagot pa rin niya ito sa pagbabasakaling mahalaga lang ang sadya nu'n kaya napatawag sa kanya. "Yes, hello?" aniya nang sagutin na niya ang tawag nito sa kanya. "Are you Mrs. Dela Cruz?" tanong ng isang babaeng tumawag sa kanya mula sa kabilang linya. "Yes po. Bakit po?" nagtataka niyang tanong. "Nasa presinto po ngayon ang asawa niyo dahil-----"What?!" gulat niyang tanong sabay tayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. "Wait! Pupunta na ako," nag-aalala niyang sabi sabay hablot sa kanyang bag na nasa ibabaw lamang ng sofa nakalagay saka walang pag-aatubiling umalis siya ng bahay. "Manong, pwede niyo bang pakibilisan ang takbo niyo?" pakiusap niya sa taxi driver. "Pasensiya na po, Ma'am. Ganito lang po talaga ang speed limit na required. Baka po kasi mabangga tayo," mahinahon na sagot ng driver at wala namang nagawa si Xia para sa bagay na 'yon. Pagkarating nila sa presinto ay mabilis siyang bumaba ng taxi matapos niya itong bayaran. Papasok pa lamang siya ng presinto ay siya namang paglabas ng kanyang asawa. "Sweetie!" tawag niya rito at bigla na lamang siyang natigilan nang makita niya ang taong nakasunod sa kanyang asawa. Ang taong hindi niya inaasahan makita ng mga sandaling 'yon! Si Marjorie, ang secretary ng kanyang asawa! "Sweetie," tawag niyang muli kay Alex. "Hi, po," bati naman ni Marjorie sa kanya. Sandaling napahinto ang kanyang asawa saka siya nito matamang pinagmasdan mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri siya nito nang maigi. Nang mapansin niya ang tinging ipinukol ni Alex sa kanya ay saka lang niya naaalala kung anong klaseng postura ang mayroon siya ng mga sandaling 'yon. "Ano kasi, g-ganito ang..." Hindi na niya naituloy ang iba pa sanang sasabihin niya nang magsimulang maglakad si Alex palapit sa kanya pero nilagpasan lamang siya nito at wala man lang itong sinabi kahit na isang salita sa kanya. "Alex?" tawag niya rito sabay habol sa asawang walang pakialam sa kanya ng mga sandaling 'yon. "Get inside. I'll drive you home," baling ni Alex kay Marjorie na siyang lalong ikinataka ni Xia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD