CHAPTER 20

1670 Words
"Huwag na po, sir. Magta-taxi lang po ako," agad na tanggi ni Marjorie. "No! Just get inside," pautos na saad ni Alex. Nagdadalawang-isip na napatingin si Marjorie kay Xia na para bang hinihingi nito ang kanyang permission. Binuksan ni Marjorie ang pintuan ng sasakyan katabi ng driver seat saka ito napatingin sa kanya. "Pasok na po kayo," sabi nito sa kanya. Napatingin siya kay Alex at nakita niya ang mabilis na pag-iwas ng tingin nito sa kanya saka walang pag-aatubiling pumasok na sa loob ng sasakyan. Muli siyang napatingin sa secretary ng kanyang asawa habang nakahawak pa rin ito sa pintuan ng sasakyan. Walang pag-aalalang agad siyang lumapit dito saka siya sumakay. Ni hindi man lang siya binalingan ng tingin ng kanyang asawa nang nakapasok na siya at malayang nakaupo sa tabi nito. Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan sa may bandang backseat, sa may likuran ni Xia at pumasok du'n si Marjorie at nang maayos na itong nakaupo ay agad namang pinatakbo ni Alex ang sasakyan. Habang nasa gitna sila ng kanilang biyahe papunta sa bahay nina Marjorie ay walang sino man sa kanila ang may nais na basagin ang katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo. Nahihiya rin kasi si Marjorie na magsalita dahil alam naman nitong hindi maganda ang relasyon ng dalawa kahit na hindi niya alam kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang mag-asawa. Gugustuhin man ni Xia ang magsalita ay hindi rin niya magawa dahil wala siyang lakas ng loob dahil natatakot siya na baka sa kanyang pagbuka sa kanyang bibig ay magiging dahilan pa ng kanilang away kaya mas minabuti na lamang niya ang manahimik hanggang sa dumating na nga sila sa tapat ng bahay nina Marjorie. "Thank you," nakangiting saad ni Marjorie, "Take care, sir, ma'am," dagdag pa nito. Hindi na hinintay pa ni Marjorie ang sagot ng dalawa. Agad na siyang lumabas ng sasakyan. Kumaway pa siya sa mga ito saka na pinasibad ni Alex palayo ang sasakyan. "Bakit nasa presinto ka?" lakas-loob na tanong ni Xia sa asaw niyang abala sa pagmamaneho. Hindi sumagot si Alex kaya medyo nakaramdam ng pagkadismaya. "Alex-----"Anong pakialam mo kung bakit nasa presinto ako?" Napaawang ang kanyang mga labi nang marinig niya ang tanong nito sa kanya. Nagtatakang napatingin siya rito at halos hindi niya maisip kung bakit nga ba natanong ni Alex sa kanya iyon. "Asawa mo ako kaya natural lang na may pakialam ako tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa'yo," aniya at labis ang kanyang pagkabigla nang biglang inapakan ni Alex ang preno ng sasakyan na siyang dahilan na muntikan na siyang mapasubsob. Galit na napatingin ito sa kanya. Ang tingin na para bang nanunumbat. "May pakialam ka? Talaga? Kailan? Ngayon lang?" Napakunot ang kanyang noo dahil sa sunod-sunod nitong tanong sa kanya. "A-anong pinagsasabi mo?" tanong niya at nakita niya ang pagkainis sa mukha ni Alex. Agad itong binuksan ang sasakyan at saka ito lumabas na agad naman niyang sinundan dahil sadyang wala siyang naiintindihan sa mga katagang lumabas mula sa bibig mismo ng kanyang asawa. "Alex, ano bang mga pinagsasabi mo? Wala akong naintindihan. Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi mo?" Totoo naman talagang wala siyang alam sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Talagang wala siyang ideya kung para saan ang mga naitanong nito sa kanya ngayon. "Alex?" tawag niya sa kanyang asawa at nang hawakan niya ang braso nito ay galit naman nitong iniwaksi ang kanyang kamay kasabay ng paglingon nito sa kanya. "Ilang beses kitang tinawagan. Ilang beses kong sinubukang kuntakin ka pero ano?!" bulyaw nito sa kanya, "Wala akong sagot na natanggap mula sa'yo! Para akong gagong naghihintay na sagutin mo ang tawag ko pero wala!" muli nitong bulyaw sa kanya. "Wala akong natanggap mula sa'yo!" dagdag pa nito na siyang labis niyang ikinataka. Wala siyang alam. Hindi niya alam na tumawag pala ito sa kanya. "Pero nang ibang tao na ang tumawag sa'yo, sinagot mo siya kaagad samantalang ako, ano? Wala. Nagmukha akong tanga, Xia." Galit na tumalikod sa kanya si Alex habang siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang mga narinig. "Sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam na tumawag ka. Hindi ko namalayan. Hindi ko-----"Hindi mo namalayan?" agad nitong singit sa iba pa sana niyang sasabihin. "Bakit? Abala ka ba sa pagpapaganda mo? Abala ka ba rito?" Pagalit na hinablot nito ang suot niya. Mabuti na lamang at hindi iyon nasira. "Siguro... 'yon ang naisipan mong paraan para madali mong mapa-invest ang mga taong 'yon sa'yo." Napamaang si Xia sa kanyang narinig. Hindi niya inakala na ganu'n pala ang iisipin ng kanyang asawa sa kanya sa kabila ng katotohanan na ginawa niya iyon dahil sa pagnanais niyang maayos pa ang kanilang relasyon. "Alex, ano bang pinagsasabi mo? Bakit ganyan ang iniisip mo tungkol sa akin?" "Bakit? Hindi ba totoo?" Lalo lamang napamaang si Xia sa mga sinabi sa kanya ng kanyang asawa. "Alex, hindi mo alam kung ano ang mga pinaggagawa ko kaya sana, alamin mo muna ang lahat bago mo ako pagsalitaan ng ganyan," inis niyang baling dito. "Bakit? Kailangan ko pa bang alamin ang mga ginagawa mo kung kitang-kita naman sa postura mo ngayon ang lahat?" "Ganito ako ngayon dahil lang naman sa'yo tapos-----"Sa akin? So, ibig sabihin nu'n, ako na naman ang may mali? Ganu'n ba?" "Alex, hindi ganu'n 'yon. Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na hindi ko napansin ang tawag mo kanina dahil abala ako dahil sa-----"Dahil sa pag-iisip ng mga strategies na pwede mong gamitin para sa mga taong 'yon, hindi ba?" Hindi na nakaimik pa si Xia sa naging tugon ng kanyang asawa. Sa loob ng halos tatlong taong pagsasama nilang dalawa, ngayon lang niya napagtanto na ganito pala kakitid ang pag-iisip ni Alex. Bakit ba hindi siya nito magawang pakinggan sa mga paliwanag niya? Ganu'n ba talaga kasakit para rito ang kanyang nagawa rito? Wala na bang paraan para maayos ang lahat ng sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa ngayon? "Alam mo, Xia. Nakalimutan mo na ako dahil sa pangarap mo. Sana nga, maabot mo 'yan," pahayag ni Alex saka siya nito iniwan. Agad itong sumakay ng sasakyan habang siya naman ay nanatiling nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Nang marinig niya ang ugong ng sasakyang papalayo ay saka lang siya natauhan. Napatingin siya sa papalayong sasakyan at ramdam na ramdam na niya ang pag-iinit ng kanyang magkabila niyang mga mata. Tumutulo ang kanyang mga luha habang nakatingin siya sa television na nasa harapan niya. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa kanilang sofa habang ang kanyang dalawang paa ay nakatukod sa ibabaw ng sofa kung saan nakapatong ang dalawa niyang braso na magkasalikop sa ibabaw ng kanyang dalawang tuhod at sa ibabaw ng dalawa niyang braso ay nakapatong du'n ang kanyang chin. Nakatuon ang kanyang mga mata sa kaharap niyang t.v pero wala naman du'n ang kanyang atensiyon. Ang luha na kanina pa gustong dumaloy sa magkabila niyang pisngi ay malaya na itong umaagos mula sa kanyang mga mata. Nilakasan niya ang volume ng television dahil ayaw niyang may makakarinig sa kanyang paghikbi. Idinikit niya ang kanyang noo sa dalawa niyang braso na magkadikit habang nagpatuloy sa pagdaloy ang masasagana niyang mga luha. Nakaramdam na rin siya ng kapaguran sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Alex pero ang puso niya ayaw pang sumuko dahil alam niyang matatapos din ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang asawa. Mahal niya ito at kung may matatapos man ay hindi ang kanilang masayang pagsasama, hindi ang kanilang relasyon kundi ang problema na pilit na pumapagitna sa kanilang dalawa. Lalaban pa siya hangga't kaya niya, susuko lamang siya kapag si Alex na mismo ang magsasabibg tama na! Maghahating-gabi na nang naisipan ni Alex ang umuwi at sa pagpasok pa lamang niya sa kanilang bahay ay mukha kaagad ng kanyang asawang mahimbing nang natutulog sa ibabaw ng sofa habang nakabukas pa rin ang kanilang television. Napatingin siya sa kanilang dining area at napakunot ang kanyang noo nang may napansin siya dun'n kaya dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito saka lang niya napagtantong mga pagkain pala ang mga iyon. May nakita pa siyang dalawang kandilang nakapatay at dalawang baso sa gilid ng nakatayong alak sa gitna ng mesa. "Sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam na tumawag ka. Hindi ko namalayan. Hindi ko------"Hindi mo namalayan?" Naalala niyang sagutan nilang dalawa kanina. "Bakit? Abala ka ba sa pagpapaganda mo? Abala ka ba rito?" Galit siya nang mga sandaling 'yon kaya hindi na siya nakapagpigil pa sa kanyang nararamdaman. "Alex, hindi ganu'n 'yon. Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na hindi ko napansin ang tawag mo kanina dahil abala ako dahil sa-----"Dahil sa pag-iisip ng mga strategies na pwede mong gamitin para sa mga taong 'yon, hindi ba?" "Ito ba?" tanong niya sa kanyang sarili, "Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya napansin ang tawag ko sa kanya kanina?" dagdag pa niya saka siya napatingin sa kanyang asawa na natutulog pa rin sa ibabaw ng sofa nang mahimbing. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit sa kinaroroonan ni Xia saka siya bahagyang napaluhod sa harapan nito. Napatitig siya sa mukha nito habang nanatiling nakapikit ang mga mata nito. Naagaw ang kanyang atensiyon ng mapatingin siya sa kamay nito kung saan nakadikit ang bandaid na inilagay kanina ni Xia nang masugatan ito dahil sa paghihiwa ng mga lulutuin. "Alex," anas ni Xia habang nakapikit ang mga mata nito. Nakita ni Alex ang pagkunot ng noo ni Xia at maya-maya lang ay ang pagdaloy ng mga luha nito mula sa mga mata nito. Ngayon lang niya nadama ang paghihirap na nadarama ni Xia ng mga sandaling 'yon na hindi niya nadama dahil sa pride na bumabalot sa kanyang puso, dahil sa galit na kanyang nararamdaman dahil sa pag-aakalang binalewala na siya nito. Napatayo siya bago pa man siya tuluyang madala sa kanyang emosyon para sa kanyang asawa. Sandyang may mga bagay lang talagang kailangang dadaanan sa ganitong paraan para kapag darating na 'yong panahon na kailangan na itong matapos ay matatapos ito nang maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD