Bumalik si Alexander sa kanyang bakery at naupo siya sa kanyang swevil chair habang iniisip pa rin niya ang tagpo kanina na hindi niya akalain na malaman. Kahit na wala pa siyang solid na ebidensiya na makapagpapatunay na si Leah at si Xia ay iisang tao ay alam na niya, ramdam niyang iisang tao lamang sila. Nang naging maayos na ang kalagayan ni Leah ay agad din siyang inilabas ng kanyang ina mula sa hospital saka siya inuwi sa kanilang bahay at habang nagpapahinga siya ay abala naman ang ginang sa paghahanda ng kanilang magiging hapunan. "Umalis ka na sa trabaho mo." Napaangat ng mukha ang dalaga sa kanyang narinig mula sa kanyang ina habang magkaharap silang nakaupo sa may hapag-kainan. "Pero, bakit naman po?" nagtataka niyang tanong habang nakatingin siya sa kanyang inang nakayuko

