"Ingat ka rito at kapag kailangan mo nang tulong, just give us a beep," bilin ni Marco habang naglalakad sila palabas ng kanyang opisina. Napahinto silang dalawa nang makita nila si Martha na nakatitig kay Leah habang abala ito sa pagtatrabaho. Nagkatinginan na lamang ang dalawang lalaki. Alam na nila pareho kung bakit ganu'n ang pinagmamasdan nito ang isang babaeng kamukha ng matalik nitong kaibigan. Kahit sino naman ay talagang magwawala ang kalooban kung ang kaibigan na inakala mong wala na ay malaki palang isang buhay. "Honey." Napatingin si Martha sa kanyang asawa nang tawagin siya nito. "Let's go," aya nito at isa pang sulyap ang ginawa nito kay Leah bago nito binalingan si Alexander. "Just give me a call if there's already a result," sabi nito at napatango naman si Alexande

