Habang kumakain sila ay lihim namang pinagmamasdan ni Alexander ang kanyang asawa. Kahiy na they are not in a good terms right now pero ang makasabay lamang ito sa pagkain ay malaking bagay na para sa kanya na lihim naman niyang hinihiling na sana ay maulit pa nang hindi lang isang beses kundi hanggang sa nabubuhay pa sila. Matapos silang kumain ay agad namang nagyaya si Xia ng uwi dahil pagod ito sa trabaho at gusto nitong makapagpahinga kaagad. Kahit na ayaw pa sana ni Alexander ang umuwi sila kaagad ay wala na rin siyang nagawa kundi ang sundin na lamang ito. "Bernard?" tawag nito sa isang lalaking kalalabas lang ng sasakyan na naka-park katabi ng sasakyan niya. Napatigil naman siya saka siya napatingin sa lalaking tinawag nito. "Hey! Kumusta ka na, Leah?" nakangiti nitong tanong

