Nang maayos na siyang nakapasok ay napatingin sa kanya ang kanyang asawa at maya-maya lang ay bahagya itong inilapit ang sarili nito sa kanya na siya namang ikinabigla niya. Nanigas siya nang maramdaman niya ang mainit nitong hiningang dumadampi sa kanyang pisngi dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya at lalo pa nagwawala ang kanyang puso nang sinadya pa ni Alexander na lingunin siya at tingnan. Nagkatitigan silang dalawa, muling bumalik sa isipan ni Xia ang lahat nang masasaya niyang ala-ala kasama si Alexander. Ang puso niya ay tumitibok nang higit pa sa normal nitong pagpintig. Para siyang ibinabalik sa mga sandali kung saan una niyang nakikilala si Alexander, sa mga sandali kung kailan ang saya-saya pa nilang dalawa. Napatingin si Alexander sa kanyang mga labi at nakita ni

