"Oh, siya. Aalis na ako para naman makapagpahinga na kayong dalawa," paalam ng matanda sa kanilang dalawa. Agad namang napatayo si Alexander saka niya sinabayan ang matanda sa paglabas at nang nasa labas na sila ng bahay ay pasikreto niya itong kinausap. "Manang, salamat talaga sa tulong niyo," sabi niya habang magkadikit ang dalawa niyang palad sa kanyang harapan na para bang nanalangin. "Basta, gawin mo 'yong ipinangako mo sa akin. Aayusin mo ang problema niyong dalawa," pahayag naman nito sa kanya. "Pangako po, aayusin ko po talaga," nakangiti niyang saad saka na tuluyan na itong umalis sa kanyang harapan. Bago pa man muling binuksan ni Alexander ang pintuan ng bahay para pumasok ay napabuntong-hininga muna siya ng tatlong beses upang sa ganu'n ay mapakalma niya ang lamang sar

