Matapos ang kanilang trabaho ng araw na 'yon ay dinaanan muna nilang magkakaibigan si Nicole para naman kahit papaano ay mapasaya nila ito habang nakikipaglaban ito sa kalusugan nito. "Kumain ka nang marami para naman hindi ka gugutumin," masiglang saad ni Martha habang inaayos nito ang pagkain sa mesang nasa harapan ni Nicole. "Masarap 'to," dagdag pa niya at napatingin na lamang si Martha kay Nicole nang napansin niyang mukhang hindi ito nakikinig sa kanya at nakita niya itong nakatingin sa kanyang bandang unahan at nang lingunin niya ito ay nakita niya si Xia na nakatayo sa kanyang likuran. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Xia sa kanyang kaibigan na nanatiling nakatingin sa kanya. "Magaling ka na ba?" muli niyang tanong saka siya dahan-dahan na umupo sa tabi nito. "Ni

