Napaawang ang mga labi ni Xia sa kanyang narinig. Halos nandilim na ang kanyang paningin kasabay nu'n ay ang pag-agos ng kanyang mga luha habang si Alexander naman ay halos hindi makakilos sa kanyang kinatatayuan. Matagal na niyang pinangarap ang magkaroon ng anak at ngayong nandito na, ngayong nagkakatotoo na ay bakit parang hindi niya makapa sa kanyang dibdib ang saya, ang tuwa at ang excitement para sa bagay na 'yon? Dahan-dahan ding lumuwag ang pagkakahawak ni Glendon sa braso ni Xia dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Nicole is currently pregnant pero hindi para sa kanya kundi para sa ibang lalaki. Ano pa nga ba ang dapat niyang mararamdaman maliban sa sakit? Wala na! Wala na siyang iba pang dapat na mararamdaman maliban sa sakit na ngayon ay siyang nangingibabaw sa kanyang puso nga

