"Xia!" sigaw ni Alexander habang humahagulhol ng iyak. "Xia!!" muli pa niyang sigaw. Napayakap na lamang si Martha sa kanyang asawa dahil nahihirapan na rin siya. Napaiyak na rin si Glendon kahit papaano ay maganda naman ang naging turingan nilang dalawa ni Xia at hindi niya akalain na matatapos lamang iyon sa ganitong sitwasyon. Wala siyang ibang sinisisi sa mga nangyari kundi ang kanyang asawa lamang. Kung hindi sana gumawa ng mga bagay si Nicole na ikasisira ng pagkakaibigan ng mga ito, kung hindi lang sana nito pinatulan si Alexander sana, hanggang ngayon payapa pa rin ang kanilang pagsasama. Samantala, si Nicole naman ay nanatiling nakakulong sa kanyang kwarto. Hindi siya makausap ng yaya ng kanyang anak at kahit pati ang kanyang anak na si Steph ay hindi siya nito malapitan at

