Magdamag na gumugulo sa isipan ni Leah ang pangalan na 'yon pati na ang mga katanungang hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang mga kasagutan nu'n. "Nay, aalis na po ako," pagpaalam niya sa kanyang inang si Aling Angeles nang paalis na siya papunta sa bakery na kanyang pagtatrabahuan. "Mag-ingat ka huh?" bilin nito sa kanya. "Opo. Kayo rin. Huwag kayong masyadong magpagod, huh." Marahan namang napatango ang ginang saka siya nito hinalikan sa kanyang noo. Ganito ang trato sa kanya ng kanyang ina kaya hindi na nakapagtataka at wala na rin siyang dahilan para pagdudahan ito. Nang nakarating na siya sa bakery ay masaya naman niyang binati ang kanyang mga kasama at napatingin na lamang siya sa nakasarang opisina ng kanyang boss. Malamang wala pa ito kaya nakasara ang office nito at

