"Good day p-----" Hindi na naituloy pa ng babaeng kaharap niya ang sasabihin pa sana nito nang bigla niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito sabay hila sa kamay nito saka niya ito niyakap ng mahigpit. "I missed you," mangiyak-ngiyak niyang saad habang yakap-yakap pa rin ang babae. Gulat na gulat naman ito at halos hindi makagalaw dahil sa kanyang ginawang pagyakap. Ang damdamin na kanyang nararamdaman sa tuwing nayayakap niya ang kanyang asawa ay siya ngayong bumabalot sa kanyang puso. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nandu'n ang excitement, ang kaba at kung ano-ano pa na halos hindi niya kayang maipaliwanag. Halos ayaw na niya itong pakawalan pa kaya mas humihigpit ang kanyang pagkakayakap dito at nang matauhan ang babae ay malakas siya nitong itinullak na siyang d

