CHAPTER 13

1681 Words
"Hindi pwedeng ganito kayo lagi," ani Xia nang pinagharap niya ang dalawa niyang kaibigan. Alam niyang nang dahil sa pagkakasagutan na nangyari sa mga ito nang gabing 'yon kaya walang imikan ang mga ito hanggang sa mga sandaling 'yon. "Martha, please. Hayaan mo muna si Nicole sa mga bagay na gusto nitong gawin. Hindi naman natin siya masisisi kung hindi pa talaga niya kayang makipagbalikan kay Glendon. Alam naman natin kung ano ang mga pinagdadaanan niya," pahayag niya habang nakatuon ang kanyang mga mata kay Martha na sa malayo naman nakatuon ang mga mata nito. Kahit na ganu'n, alam naman niyang nakikinig ito sa kanya nang mga sandaling 'yon. "Bigyan muna natin siya ng pagkakataong makapag-isip. Nasa tamang edad na siya at alam na niya ang kanyang mga pinaggagawa. Hindi naman siguro siya gagawa ng mga bagay na alam naman niyang maaari niya iyong ikasama, hindi ba?" dagdag pa niya. Nakita niya ang matatalim na tinging ipinukol ni Martha kay Nicole habang si Nicole naman ay bahaguang nakayuko na tila ba nahihiya sa mga nangyayari. "Nicole, pagpasensiyahan mo na si Martha. Gusto lang naman niyang maging maayos ang pamilya mo. Alam naman natin na mahirap para sa isang bata ang lumaking walang ama at isa iyon sa mga inaaalala ni Martha kung sakali mang hindi na talaga kayo magkakabalikan ni Glendon," baling naman niya kay Nicole. Nagmumukha na tuloy siyang counselor sa dalawa niyang kaibigan dahil sa kanyang ginagawa ngayon. Hindi lang kasi siya sanay na ganito ang pakikitungo ng dalawa sa isa't-isa. Hindi siya sanay na walang imikan ang mga ito kaya gagawin niya ang lahat, mapagbati lamang niya ang kanyang mga kaibigan. "Sorry," tanging salitang namutawi mula sa bibig ni Nicole. Napatingin siya kay Martha at nanatiling matigas ito sa kabila ng lahat. "Mars?" tawag niya rito. "Sorry din," wala sa sariling sagot nito at hindi man lang nito nagawang tingnan si Nicole. "Ayaw ko lang na mag-aaway-away tayo at hindi ako sanay na ganito kayo kaya sana naman, huwag na kayong mag-away, huh?" Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawa at nakita niyang halos magkasabay na tumango ang mga ito. Kahit na sumang-ayon na si Martha sa kanyang pakiusap, alam ni Xia na labag iyon sa kalooban ng kaibigan. Kilala niya ito kaya, alam niyang napipilitan lang ito. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong ni Xia kay Martha nang napagsolo na silang dalawa. Nagtatakang napatingin sa kanya ang kaibigan. "About what?" "About your problem," sagot naman niya. "Problem? I don't have it." "Mars, I know you. So, will you stop pretending?" "Masama lang talaga ang loob ko kay Nicole. Si Glendon na nga ang nagmamakaawa sa kanya para magbalikan silang dalawa tapos, ito naman siya nagmamatigas," pahayag nito saka inis na isinubo ang pagkain na tinusok nito gamit ng tinidor. "Intindihin mo na lang siya. Nasaktan siya, eh," aniya at masamang tiningnan siya ni Martha. "Ipinagtatanggol mo pa siya," hindi nito makapaniwalang saad. "Mahirap din kasi ang sitwasyon niya. Isipin mo nga, ikaw nga ang kasama ng asawa mo pero ibang babae naman ang laman ng isipan at puso niya. Kapag ikaw ang nasa sitwasyon niya, malamang gagawin mo rin ang ginagawa niya ngayon. " "Xia, hindi siya pakakasalan ng isang lalaki kung hindi siya minahal. Sino bang gagong lalaking magpapakasal sa isang taong hindi naman niya minahal?" Napaisip si Xia sa sinabi ng kanyang kaibigan. Kahit papaano, may punto rin naman si Martha. Sa ngalan na nagsumpaan ang dalawang nilalang sa harap ng karamihan ay ibig sabihin nu'n, mahal talaga nila ang isa't-isa. "Isa pa, isipin mo matagal nang minahal ni Glendon ang kung sinong babaeng naging dahilan ng pag-aaway nila. Pero, hindi ibig sabihin nu'n eh, hanggang sa mga sandaling 'to, ang babae pa ring 'yon ang mahal ni Glendon. Minahal niya ang babaeng 'yon, ibig sabihin tapos na." Napayuko na lamang si Xia sa kanyang mga narinig. Kung totoo mang may babaeng minahal si Glendon noon, hindi ibig sabihin nu'n hanggang ngayon mahal pa rin niya ang nasabing babae. Pinakasalan niya si Nicole, ibig sabihin nu'n, si Nicole na ang babaeng bagong minamahal nito. "Ramdam ko naman na talagang minahal siya ni Glendon kaso, ang kaibigan mo ang problema. Lagi siguro niyang pinapairal ang pagseselos niya para sa isang taong tapos na, para sa isang taong hindi naman naging kasintahan ng asawa niya," dagdag pa ni Martha. "Hayaan na lang muna natin siya para naman makapag-isip-isip siya. Nasa tamang edad na rin siya, alam na niya kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi naman natin siya mapipilit kung ayaw na niya talaga," aniya at narinig na lamang niya ang pagbuntong-hininga ni Martha. Hindi na nagsalita pang muli ang kanyang kaibigan dahil alam naman nito na wala pa ring magandang patutunguhan ang kanilang usapin at mas minabuti na lang din niyang huwag nang piliting ungkatin ang tungkol sa bagay na 'yon dahil wala pa rin naman silang magagawa dahil nasa kay Nicole pa rin magmumula ang huling desisyon para sa buhay nito at hindi galing sa kanila. Ang kailangan lang nilang gawin ay ang damayan lamang ito kung sakaling kailangan nito ng karamay at ipadamang hindi ito nag-iisa sa laban nito sa buhay. Muling inabala ni Xia ang sarili niya sa pagkukumbinse sa mga nakalistang tao para magiging investors ng bagong project ng kanilang kompanya. Bawat tao ay pinag-aaralan niya ang profile ng mga ito upang sakaling kaharap na niya ito ay komportable na siya at may masasabi na rin siya tungkol dito upang mas mapabilib ito sa kanya. At dahil sa pagiging abala niya ay halos hindi na sila magkasabay ni Alex sa pag-uwi. Madalang na rin niya itong nakakasabay sa hapunan at kapag nasa bahay siya ay lagi siyang nakatutok sa trabaho niya at hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang asawa kaya hindi niya alam na nagsisimula na namang mag-isip ng hindi maganda tungkol sa kanilang pagsasama. "Pwede bang ipabukas mo na 'yan? Matulog ka na dahil masyado nang malalim ang gabi," ani Alex nang namulatan siya nitong gising pa kahit na maghahating-gabi na. "Tatapusin ko lang 'to. Kailangan ko na kasi 'to bukas," pahayag naman niya saka niya muling ibinalik ang atensiyon sa kanyang ginagawa. "Para saan ba 'yan at hindi mo talaga maiwan 'yan?" tanong ni Alex sa kanya. "May ime-meet ako bukas at kailangan kong pag-aralan ang profile niya nang maayos," sagot niya nang hindi man lang magawang tapunan ng saglit na tingin ang kanyang asawa. Bumangon si Alexander saka ito bumaba mula sa kanilang kama at lumapit ito sa kanya. Kinuha nito ang folder na ibinigay sa kanya kung saan nakalista ang pangalan ng mga taong target ng kompaya upang magiging investors nila para sa panibagong project. "Para saan 'to?" nagtatakang-tanong ni Alex habang binabasa nito ang laman ng folder. "Sila 'yong mga taong gusto ng kompanya na mag-invest para sa bagong project," sagot niya. "Bakit nasa'yo 'to?" "Sa akin kasi ipinagtiwala," maagap naman niyang sagot saka niya muling binalikan ang kanyang ginagawa. "Anong kapalit?" "Promotion." Bahagyang napapiksi si Xia nang pagalit na inilapag ni Alex ang folder na hawak nito sa mesang inuupuhan niya. "Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na kalimutan mo na ang promotion na 'yan?" galit na tanong nito sa kanya. Napahinto na lamang siya sa naging tanong ng kanyang asawa. Ang buong akala niya, susuportahan siya nito sa kanyang mga ginagawa pero mukhang nagkakamali siya. "Alex, alam mo naman na pangarap ko talaga 'to kaya pwede bang hayaan mo muna ako?" "'Yan ang dahilan kung bakit muntik na tayong maghiwalay, Xia. Hindi ka pa rin ba nadadadala?" "Bakit ba hindi mo ako magawang suportahan sa mga pangarap ko?" balik-tanong nita rito at nasa boses na rin niya ang pagkainis. "Susuportahan kita pero hindi sa bagay na 'to." Matatalim na tingin ang ipinukol ni Alex sa kanya ng mga sandaling 'yon na siyang medyo nagpainis sa kanya. "Give it up." Napaawang ang kanyang mga labi sa saad nito. Suporta lang naman ang gusto niyang makuha mula rito hindi ang marinig na itigil na niya ang kung anumang ginagawa niya. "Nagsimulan ko na 'to. Sayang naman kung igi-give up ko lang 'to dahil kagustuhan mo." Na-badtrip si Alex nang marinig niya ang naging pahayag ng kanyang asawa. Para na rin kasi nitong sinasabi na handa itong i-give up siya kaysa sa pangarap nitong umangat sa kompanya. "Just choose one, ako o ang promotion na 'yan?" Lalong hindi makapaniwala si Xia sa naging tanong ni Alex sa kanya. Kailangan pa ba talagang mamili siya sa dalawa? Hindi ba pwedeng parehong pipiliin niya ang mga ito? Hindi ba pwedeng makukuha at mapagmamay-ari niya ang dalawang 'yon nang walang isinasakripisyo? Napatayo siya at sinubukan niyang hawakan sa braso ang kanyang asawa pero umiwas lamang ito. "Alex, huwag ka namang ganyan. Alam mo naman na mahalaga ka sa akin pero hindi ko naman maaaring i-give up 'to." "Simple lang naman ang magiging sagot mo sa tanong ko, Xia pero kung nahihirapan ka pa ring sagutin 'yon, ibig sabihin mau posibilidad na kaya mo akong ipagpalit sa pangarap mo," pahayag niya habang nakatuon ang kanyang mga mata sa kanyang asawa na para bang maiiyak na. "Sana naman maintindihan ko ako. Matagal ko nang pinapangarap 'to kaya ayaw kong palagpasin ang pagkakataong 'to." "So, alam mo na kung ano ang sagot mo sa tanong ko?" Napailing siya sa tanong ni Alex, "Alex?" "Matulog ka na," malamig nitong saad saka agad na bumalik sa kanilang kama at humiga nang patalikod sa kanya. Mangiyak-ngiyak na pinagmasdan niya ang likuran ng kanyang asawa. Kailangan bang hahantong sila sa ganitong sitwasyon? Bakit ba hindi na lamang siya kayang suportahan ng kanyang asawa? May masama ba sa kanyang pinapangarap? "Mrs. Dela Cruz?" "Po?" gulat na tanong niya ang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Ms. Sanchez nang araw na 'yon. Si Ms. Sanchez ang ka-appointment niya nang mga sandaling 'yon pero sa hindi nito inaasahang pagkakataon ay nakita siya nitong tulala at para bang wala sa kanyang sarili dahil muli niyang naaalala ang sinabi sa kanya ni Alex. "Sorry po. Marami lang po akong iniisip. Sorry po talaga," paulit-ulit niyang paghihingi ng paumanhin. "It's okay," nakangiting saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD