CHAPTER 17

1644 Words
Bago pa man siya nakasagot sa tanong ni Manager Santillan ay biglang inagaw ng isang babaeng papasok pa lamang ng restaurant kung saan sila naroroon. Walang iba kundi ang kanyang asawa, si Xia! Nakita niya itong naglalakad papasok ng restaurant na may bitbit na isang folder saka ito napaupo sa isang bakanteng mesa na nasa bandang sulok ng restaurant. Napatingin si Manager Santillan sa direksyon na tinatanaw niya at nakita nito si Xia habang nakaupo na para bang may hinihintay at makalipas lamang ang isang sandali ay may lalaking dumating. "Mr. X'avier," nakangiti tawag ni Xia sa kararating lang na lalaki sabay tayo at lahad ng palad nito sa harapan nito nang nakalapit na ito sa kanyang kinaroroonan. "Hi, Mrs. Dela Cruz," bati naman ng lalaki sabay abot sa kamay ni Xia. "Have a seat," aya nito sa kausap na agad namang tumalima. "I know, you know that man." Napatingin si Alex kay Manager Santillan nang bigla itong nagsalita. Kilala niya ang kausap ngayon ni Xia. Isa ito sa mga taong lumikha ng malaking pangalan sa larangan ng pagnenegosyo at hindi nila maipagkakaila na isa rin ito sa mga maimpluwensiyang tao sa industriyang ginagalawan nito. "Here's our proposal, Mr. X'avier." Narinig nilang saad ni Xia sabay abot sa kausap nito ng dala nitong folder. Binasa ni Mr. X'avier ang laman ng folder na ibinigay ni Xia rito at makalipas lang ang ilang sandali ay napatingin ito sa kanyang asawa. "Well, there's nothing I can say about your proposal. It's good but let me think about it first, Mrs. Dela Cruz." "No problem, Mr. X'avier," saad ni Xia sabay tayo, "Nice to met you, Mr. X'avier," dagdag niya sabay muling lahad ng kanyang palad sa harapan nito. Nakangiti namang napatayo ang kausap nito saka ito magiliw na tinanggap ang kamay ni Xia. "Nice to met you, too, Mrs. Dela Cruz," saad nito. Nakaalis na ang kausap ni Xia pero si Xia ay nanatili pa ring nakaupo sa kinaroroonan nito pero maya-maya lang din ay napagpasyahan na rin nito ang umalis na at bumalik ng kompanya. "I saw an eagerness to promote in the eyes of your wife, Director Dela Cruz and I'm pretty much sure that the company won't regret if they will give the promotion to your wife 'cause she deserve it," pahayag ni Manager Santillan habang mataman itong nakatingin sa kanya. Hindi na siya nakaimik pa pero ang isipan niya ay patuloy ma ginugulo ng kanyang asawa. Nasa isipan pa rin niya ang mukha ni Xia habang kinakausap nito si Mr. X'avier. Pagbalik niya sa kompanya ay sinilip niya muna nang saglit ang kanyang asawa sa department nito bago pa siya tuluyang bumalik sa kanyang opisina. Nakita niyang abala pa rin ito sa hawak-hawak na mga documents. Naka-focus ito at para bang ayaw magpaistorbo. "I saw an eagerness to promote in the eyes of your wife, Director Dela Cruz and I'm pretty much sure that the company won't regret if they will give the promotion to your wife 'cause she deserve it." Naaalala niyang sabi sa kanya kani-kanina lamang ni Manager Santillan. Tahimik siyang napaupo sa kanyang swevil chair na nasa loob ng kanyang opisina habang nasa isipan pa rin niya ang kanyang asawa. Tama ba ang kanyang mga ginagawang pagbawalan ito sa pinapangarap nitong promotion? Simple lang naman ang kanyang gustong mangyari, ang bigyan siya ng kahit konting halaga sa buhay nito. Sana kahit minsan ay isama naman siya nito sa mga plano nito. Sana naman maramdaman niya ang pagiging asawa niya rito hindi 'yong tipo na malalaman na lamang niyang ganu'n pala ang binabalak nitong gawin kapag tapos na, kapag nagawa na nito. Tahimik ang bahay nang dumating si Xia kinagabihan at nang buksan niya ang ilaw ay bumalot sa loob nito ang liwanag at pakiramdam niya ay madilim pa rin dahil hindi na naman niya natanaw sa loob ng bahay na 'yon ang kanyang asawa. Hindi siya nito isinabay sa pag-uwi at ang buong akala niya ay madadatnan niya ito sa kanilang bahay pero nagkamali na naman siya dahil walang Alex siyang nakita. Hindi na naman niya alam kung saan ito pumupunta sa tuwing wala ito sa kanilang bahay. Wala naman itong sinsabi sa kanya, wala naman itong binabanggit sa kanya kaya kagaya ng dati, heto na naman siya parang tangang naghihintay sa pag-uwi ng asawa kahit pa clueless siya kung darating pa ba ito nang gabing 'yon, kung uuwi pa ba ito o hindi na. At kagaya ng dati, magigising siya kinabukasan sa ibabaw ng sofa at makikita niya ang kanyang asawang mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang kwarto. Parang naging routine na nila ang ganu'ng set-up na siyang lalong nagpapahirap sa kalooban ni Xia pero pinipilit pa rin niyang pakatatagan ang kanyang kalooban dahil ayaw niyang panghihina siya ng loob. "Mukhang hindi yata maganda ang araw mo?" puna ni Nicole sa kanya habang nakatitig siya sa mga documents na nasa kamay niya nang mga sandaling 'yon. Napailing siya sabay ngiti upang sabihin dito na okay lang siya, na masaya siya kahit ang totoo, hirap na siya. Nakauwi na sina Martha at Nicole at heto naman si Xia, sa labas ng kompanya at naghihintay sa pagdating ng kanyang asawa pero hindi na naman ito dumating kaya wala siyang nagawa kundi ang mag-taxi na lamang pag-uwi. Pagdating niya ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang asawa na nakasalampak sa kanilang sofa habang nakaharap sa kanilang television nang mga sandaling 'yon. Inis ang unang umigting sa kanyang kalooban sa kanyang nadatnan. Napatingin siya sa center table at nakita niya ang phone nitong nakapatong du'n. Nakailang ulit niya itong tinawagan kanina pero ni isa man lang sa tawag niya ay wala itong sinagot. At nang dumating siya ay wala rin itong naging reaksiyon kahit na alam niyang alam na nitong dumating na siya pero bakit nagmumukha na siyang invisible  sa kanyang asawa. Inis na kinuha niya ang kanyang phone saka niya tinawagan ang phone ng kanyang asawa dahil gusto lamang niyang malaman kung bakit nakailang tawag na siya kanina ay hindi talaga siya nito nagawang sagutin. Nang marinig niya ang pag-ring ng phone nito ay pinagmasdan niya ng maigi ang gagawin ng kanyang asawa. Kinuha ni Alex ang phone nito na nasa ibabaw ng center table at tiningnan kung sino ang tumawag ngunit nang makita nitong siya lang pala ang tumatawag ay muli nitong ibinalik ang phone sa ibabaw ng center table na siyang nagpakulo sa kanyang dugo. Napapiksi na lamang si Alex nang walang ano-ano'y itinapon niya ang dala-dala niyang shoulder bag sa sofa kung saan ito nakasalampak at gulat na napatingin ito sa kanya pero nang makita siya nito ay agad naman itong nagbawi ng tingin at muling itinuon ang pansin sa tv show na pinapanood. Napaawang ang kanyang mga labi sa inasal ni Alex at galit na agad niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito upang kausapin ito. Sinadya pa niyang tumayo mismo sa harapan nito kung saan natatakpan ng kanyang katawan ang television kaya nainis si Alex sa kanya ng mga sandaling iyon. "Pwede bang matuto ka naman ng kahit respeto?" Napatawa ng pagak si Xia sa tinuran ni Alex. Nagmumukha na silang mga bata ng mga sandaling iyon pero ang inis na nararamdaman niya ay talagang hindi na niya mapigilan pa. "Tawag ako nang tawag sa'yo pero kahit isang beses, hindi mo ako sinubukang sagutin. Naghintay ako sa pagdating mo pero heto ka, nakahilata sa ibabaw ng sofa at nagpapakasarap samantalang para na akong timang du'n habang naghihintay sa taong hindi ko alam na hindi pala darating!" Parang puputok na ang mga ugat niya sa kan yang leeg habang binibigkas niya ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya. "Bakit, sinabi ko bang maghintay ka sa akin? Sinabi ko bang isasabay kita sa pag-uwi?" Lalong kumulo ang kanyang dugo sa naging pahayag ng asawa. "Alex, hindi ka naman ganito dati, ah! Bakit ka-----"Dati 'yon, Xia. Hindi na ngayon," agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin. Mabilis na napatayo si Alex mula sa pagkakasalampak nito sa sofa. "Huwag mo akong pakialaman kung ano ang gagawin ko.  May kanya-kanya tayong buhay kaya, gawin mo kung ano ang gagawin mo at gagawin ko rin kung anong gusto kong gagawin," mariin nitong pahayag saka siya iniwan. Dumiretso ito sa loob ng kanilang kwarto at narinig pa niya ang padabog na pagsara nu'n. Nanghihina ang mga binting napaupo siya sa sofa kung saan nakahilata kanina ang kanyang asawa. Naitukod niya ang dalawa niyang siko sa ibabaw ng magkabila niyang hita saka niya inihilamos ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha. Napa-depress na talaga niyang pagmasdan ng mga sandaling 'yon ay gulong-gulo na rin ang kanyang isipan dahil sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang dalawa na hindi naman niya inaasahan. Makalipas ang ilang sandali ay napagpasyahan na rin niyang pumasok sa kanilang kwarto at nang nakapasok na siya ay nakita niya ang kanyang asawa na nakahiga patalikod sa kanya kaya ang likuran lamang nito ang kanyang napagmasdan. Nagbihis siya nang pambahay na damit. Nawalan na rin siya ng ganang kumain dahil sa nangyari. Matapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay dahan-dahan siyang humiga sa tabi ni Alex. Dahan-dahan niyang iniyakap ang kanyang braso sa beywang nito habang nakatalikod ito sa kanya at inaasahan niyang tatagilid ito paharap sa kanya pero nabigo lamang siya. Ni hindi man lang ito gumalaw nang yakapin niya. Masakit para sa kanya ang lahat pero ano pa nga ba ang kanyang magagawa? Dahan-dahan siyang tumagilid patalikod sa kanyang asawa saka du'n na umagos ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabantang dumaloy. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi upang hindi lamang siya mapasigok kahit na ang balikat niya ay bahagyang gumagalaw dahil sa kanyang pag-iyak. Pinipilit niyang huwag makagawa ng ano mang ingay dahil ayaw niyang malaman ng kanyang asawa ang kanyang pag-iyak. Nakatulog siyang may luha sa mga mata at naninikip ang kanyang dibdib. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD