CHAPTER 16

1662 Words
"Nakailang ulit kitang tinawagan pero hindi mo ako sinasagot hanggang sa hindi na kita matawagan pa," dagdag pa niya pero lalo lamang siyang binalewala ni Alex. Tuloy-tuloy itong pumasok sa kanilang kwarto at nanatili naman siyang nakasunod dito. "Hindi naman siguro mahirap ang sasabihin mo sa akin kung saan ka nagpupunta, di ba?" tanong niya ulit dito. "Hindi naman siguro masama kung sasagutin mo kahit isang beses lang ang tawag ko, di ba?" Hinubad ni Alex ang suot nitong damit na kahapon pang hindi nabibihisan saka ito lumakad palapit  sa kanilang banyo. "Alex, pwede bang kausapin mo naman ako?" pakiusap niya pero talagang hindi siya nito pinapansin kaya bago pa man ito tuluyang nakapasok sa banyo ay mabilis na niya itonh pinigilan sa braso. "Alex, ano ba? Bakit ka ba ganyan?" May bahid na ng inis ang kanyang boses dahil sa pambabalewala sa kanya ni Alex. Napahinto saglit si Alex dahil naramdaman na nito ang pressure na kasalukuyang lumulukob sa kanyang buong pagkatao dahil sa pambabalewalang ginagawa nito sa kanya. "Do I need to tell you everything about me?" tanong nito habang nanatili itong nakatalikod sa kanya na para bang wala itong balak na harapin siya kapag kinakausap niya ito. "Asawa mo ako, Alex kaya karapatan kong malaman kung saan ka nagpunta o kung kaikan ka uuwi," maagap niyang turan na siyang nagpangiti kay Alex, ngiti na may pait na kasama. Ngiti ng taong hindi natutuwa. Ngiti ng taong napipilitan lamang. Dahan-dahan siyang nilingon ng kanyang asawa saka siya nito matamang tinitigan sa kanyang mga mata. "Akala ko ba malinaw na ang lahat para sa atin ang lahat?" Napakunot ang kanyang noo dahil sa naging pahayag nito. Ano bang malinaw para sa kanila ang lahat? Ano bang tinutukoy nito? "Have you forgotten about it already?" tanong nito sa kanya nang mapansin nito ang pagkakunot ng kanyang noo na para bang nag-iisip kung ano nga ba ang tinutukoy nito. "Let me remind you about it." Bahagyang ipinihit ni Alex ang katawan nito paharap sa kanya habang hindi nito inaalis sa kanya ang mga mata nito na para bang sinusumbatan siya sa lahat ng mga nangyayari sa kanila ngayon. "Sabi mo, gagawin mo kung ano man ang gusto mong gawin dahil buhay mo 'yan. Do you remember it?" "Buhay ko 'to, Alex. Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin." Naaalala niyang pahayag niya kay Alex nang gabing nagkasagutan silang dalawa pero ang hindi niya maintindihan ay kung ano naman ang connection nu'n sa mga pinaggagawang pambabalewala sa kanya ngayon ng kanyang asawa? "You want me to let you do whatever you want to do with your own life dahil buhay mo 'yan at wala akong karapatan..." saad ni Alex at sinadya pa talaga nitong diinan ang huling salitang binitiwan nito. "...kaya heto, hinahayaan na kita. Hindi na kita pakikialaman pa kahit kailan. Hindi na kita pagbabawalan pa kagaya ng mga sinabi mo." Ramdam ni Xia ang pait na nararamdaman ni Alex habang binibigkas nito ang bawat katagang lumalabas mula sa bibig nito mismo. "Alex, alam mo namang ayaw kong mag-away tayo pero pwede bang kahit ngayon lang, intindihin mo naman ako. Huwag mo naman akong pagbawalan sa mga gusto kong gawin. Hayaan mo naman akong gumawa ng mga desisyon ko." Kaya ba nagkakaganito ngayon si Alexander dahil sa kanyang mga sinabi? Kailangan pa ba talaga nitong bigyan ng masamang kahulugan ang lahat ng kanyang mga sinabi? Bakit hindi nito nakikita ang maganda sa mga binitiwan niyang kataga? May maganda nga ba sa mga sinabi niya sa kay Alex o baka akala lang pala niya ang mga iyon pero ang totoo, wala palang maganda ni isa man lang sa kanyang mga binitiwang kataga sa kanyang asawa? "Hinayaan na kita, Xia," anito habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. "Gagawin ko na rin kung ano ang gusto kong gawin. Pupunta ako sa lugar na gusto kong puntahan. Aalis ako kapag gusto ko. Uuwi ako kung kailan ko gusto at huwag mo akong pakialaman, huwag mo akong pagbawalan dahil alam mo kung bakit?" Napatingin siya sa mga mata ni Alex at nakikita niya ang kanyang sarili rito na maluha-luha at hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. "Dahil buhay ko 'to at wala kang karapatan para pakialaman ako," matigas nitong pahayag saka nito hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito at dahan-dahan nitong tinanggal mula sa pagkakahawak pagkatapos ay mabilis itong tumalikod sa kanya at binuksan ang pintuan ng banyo at walang lingon-likod na pumasok saka nito ini-lock. Naiwan si Xia na tulala at hindi alam ang gagawin. Nakaawang ang kanyang mga labi at halos ayaw mag-sink-in sa utak niya ang lahat ng kanyang mga narinig mula sa kanyang asawa. Lalong gumulo ang lahat para kay Xia. Lalong hindi niya mauunawaan ang lahat. Habang abala silang lahat sa kanilang mga gawain sa loob ng kompanya ay nagtatakang napatingin naman si Nicole kay Xia at nakita niyang tulala ito at halos hindi magalaw-galaw ang mga documents na nasa harapan nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. "Okay ka lang? Ang lalim ng iniisip mo, ah!" Napatingin si Martha kay Xia nang marinig nito ang naging pahayag ni Nicole. "Okay lang ako," sagot ni Xia. "Are you sure?" tanong ni Martha sa kanya dahil nakita rin nito ang pagiging tulala niya ng mga sandaling 'yon. "Oo naman! Inaalala ko lang ang ibang impormasyon tungkol sa ime-meet ko mamaya," pagsisinungaling niya dahil ang totoo, si Alex ang tumatakbk ngayon sa kanyang isipan. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa!" bulalas naman ni Nicole habang nakaupo ito sa pwesto nitong kaharap niya. Sapilitan siyang napangiti rito pero nang binalingan niya ng tingin ang katabing si Martha ay dahan-dahan na nawala ang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi dahil nasa mukha ng kanyang kaibigan na hindi ito kumbinsido sa kanyang mga sinabi. "Nag-away ba kayo?" tanong ni Martha sa kanya nang nagkaroon na ito ng pagkakataong kausapin siya nang silang dalawa lamang. "Ano bang pinagsasabi mo?" pagkukunwari pang tanong niya rito kahit na alam na alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito sa naging tanong nito sa kanya. "Xia, lukuhin mo na ang lahat, huwag lang ako." Natahimik siya sa tinuran ni Martha at napayuko na lamang siya dahil alam niyang alam nitong nagkukunwari lamang siya. "I still remember the night that you called me just to asked if where my husband is." Napaiwas ng tingin si Xia at nanatiling nakatikom ang kanyang bibig. Gusto niyang ilihis ang usapan pero talagang ramdam din niya ang pagiging desperado ni Martha para pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon. "Tell me exactly, what was happened during that night?" Hindi na magawa pa ni Xia ang tingnan sa mga mata si Martha at kahit na anong iwas niya ay alam niyang malalaman pa rin nito kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa kanilang dalawa ni Alex. "We had an argument," pagsisimula niya habang nakayuko, "...and then he went outside at ang tagal niyang bumalik. Ang buong akala ko, he was with Marco that night kaya naisipan kong tawagan ka upang tanungin kung nasa bahay ba ninyo ang asawa mo." Nanatiling nakamasid si Martha sa kanya na para bang pinag-aaralan ang kanyang mga ikinikilos. "Anong pinag-aawayan niyo?" usisa pa nito sa kanya. "About the promotion." Napakunot ang noo ni Martha sa kanyang sagot. Wala kasi itong alam sa mga nangyayari kaya ganu'n na lamang ang pagtataka ng kanyang kaibigan. "Anong tungkol sa promotion?" "He asked me to give it up." Lalong naguguluhan si Martha. Sino ba naman kasi ang hindi maguguluhan kung sa isang simpleng bagay lang ay nag-aaway na. "Why?" "Ayaw niyang ma-promote ako," nakayuko pa rin niyang sagot. "I can't understand," naguguluhang saad ni Martha. "Mula nang malaman niyang gumamit ako ng birth control nang hindi ipinapaalam sa kanya dahil sa pagnanais kong ma-promote muna, iniisip na niyang kaya ko siyang i-give up para lang sa pangarap ko." Nangingilid na sa gilid ng kanyang mga mata ang kanyang mga luha na kahit anong sandali ay aagos na ito. Narinig niya ang nagpakawala ng mababaw na hininga ang kanyang kaibigan. "You can't blame him kung ganu'n na nga ang iniisip niya." Napaagos tuloy ang kanyang mga luha nang marinig niya ang naging pahayag ni Martha. Pakiramdam kasi niya nang mga oras na 'yon, nasa kanya ang malaking pagkakamali! "Matagal na niyang pinangarap na magkaanak kayo kaya hindi mo siya masisisi kung iisipin niyang you are willing to give him up just for the sake of your dream," diretsang saad ni Martha sa kanya. "Nangarap lang naman ako, mali ba 'yon?" luhaan niyang tanong sa kaibigan. Naawa namang napatingin sa kanya si Martha. "You can make your dreams come true nang walang nasasakripisyo," tanging pahayag ni Martha saka ito nag-iwas ng tingin. "Alam ko namang mali ang nagawa ko pero kailangan pa bang dalhin ang pagkakamaling 'yon hanggang sa mga sandaling 'to?" "Masyado lang talagang nadumihan ang isipan ng asawa mo dahil sa nangyari. Sana, maayos niyo pa ang lahat." Natahimik na lamang si Xia sa naging saad ni Martha. Ngayon, mas nasasabi niya sa kanyang sarili na ang puno't-dulo ng pagkakagulo ng kanilang pagsasama ni Alex ay siya ang dahilan. Kung hindi sana niya ginawa ang bagay na 'yon, ang pigilan ang kanyang pagbubuntis, hindi sana sila aabot sa ganitong paraan. "Director Dela Cruz?" tawag ni Manager Santillan kay Alex nang aksidenteng nagkita sila sa labas ng kompanya. At dahil sa pambihirang pagkakataong 'yon ay nagkayayaan ang dalawa sa isang restaurant. Nais din kasing malaman ni Manager Santillan ang dahilan kung bakit ayaw ni Alex na ipagpatuloy ni Xia ang trabaho nito. "Is there something you need?" tanong ni Alex sa kanyang kasama. "Well, I know I'm not in the right position to ask you this..." saad ni Manager Santillan, "...but I want to know why you don't want your wife to continue the work that the company entrusted to her." Napatingin si Alex kay Manager Santillan at nagtataka siya kung bakit napaka-concern nito sa kanyang asawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD