CHAPTER 15

1675 Words
"Kaya ka ba gumawa ng desisyong huwag munang magkaanak nang wala man lang pasabi sa akin dahil buhay mo 'yon?" Halos hindi siya makapaniwala sa mga tanong nito sa kanya. Hindi niya akalain na may ganu'ng side pa pala ang kanyang asawa. "Akala ko ba maayos na tayo tungkol sa bagay na 'yan? Akala ko ba-----"Okay na tayo pero ang masakit, Xia alam mo ba kung bakit?" tanong nito sa kanya na para bang mahuhulog na ang mga luha nito sa magkabila nitong pisngi. "Ang sabihin mong buhay mo 'yan kaya magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Bakit, ano bang tingin mo sa akin? Tau-tauhan lamang sa buhay mo na kapag ayaw mo na, kapag nagawa ko na ang role ko sa buhay mo pwede mo na akong ibasura? Ganu'n ba, Xia?" "Bakit ba ang kitid ng utak mo, Alex? Bakit ba hindi mo 'ko maiintindihan? Bakit ba-----"Makitid ang utak ko?" agad nitong sabad sa iba pa sana niyang sasabihin. "Ganu'n na ba ang tingin mo sa akin, Xia?" "Alex, alam mo namang ayaw kong mag-away tayo pero pwede bang kahit ngayon lang, intindihin mo naman ako. Huwag mo naman akong pagbawalan sa mga gusto kong gawin. Hayaan mo naman akong gumawa ng mga desisyon ko," mangiyak-ngiyak niyang saad. Naaawa na siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya, nagmumukha na siyang batang nagmamakaawa para lang maging malaya sa gusto niyang gawin nang walang ibang iniisip kundi ang magiging resulta ng kanyang gagawin. "You are free to do whatever you want to do, Xia. Kailan ba kita pinagbawalan? Lahat naman ng gusto mong gawin magagawa mo at kahit kailan hindi kita ikinulong at pinagbabawalansa lahat ng bagay na gusto mo." "Ano bang tingin mo sa ginagawa mo sa akin ngayon? Ipinahiya mo na nga ako kay Manager Santillan tapos sasabihin mong hindi mo ako pinagbabawalan sa mga gusto kong gagawin?!" pasinghal niyang tanong na siyang lalong nagpainit sa paligid nilang dalawa. "Sa lahat ng bagay na pinagaggawa mo, ito lang ang ayaw kong gawin mo tapos sasabihin mong pinagbabawalan kita?" "Alex-----"Sige, mula ngayon hindi na ako mangingialam sa buhay mo, hindi ko na papansinin lahat ng mga gusto mong gagawin. You are free to do whatever you want to do from now on at huwag mo rin akong pakialaman sa kung ano ang gagawin ko dahil buhay ko rin 'to." Pagkatapos sabihin ni Alex ang lahat nang nu'n ay agad itong lumabas ito ng bahay nang walang lingon-likod. Narinig pa niya ang padabog na pagsara ng main door nila. Napaiyak na lamang si Xia nang napaupo siya sa kanilang sofa. Hindi niya aakalain na mangyayari sa kanilang mag-asawa ang ganitong bagay. Nangako pa sila sa harap ng altar na iintindihin nila ang bawat isa pero bakit ganito na ang nangyayari sa kanila? Bakit kahit sa simpleng bagay na gusto niyang gawin ay hindi siya nito magawang suportahan at intindihin? Ganito ba talaga ang buhay ng mag-asawa o ang buhay lang nilang mag-asawa? Ilang oras na ang nakalipas at lumalalim na rin ang gabi pero hindi pa rin umuuwi ang kanyang asawang si Alex. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa pag-aalala na baka kung ano na ang nangyari rito. Agad niyang kinuha ang kanyang phone saka niya sinubukan itong tawagan pero ring lang nang ring ang phone nito at nakailang tawag na siya ay hindi pa rin talaga nito sinubukang sagutin na siyang lalong nagpaaaalala sa kanya. Alam niyang may mali siya pero sana naman ay hindi hahantong ang lahat sa kung ano mang nasa isipan niya ngayon dahil natatakot na siya at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung sakali mang mangyari ang kanyang iniisip. "Hey, Xi. Napatawag ka?" tanong ni Martha nang sagutin nito ang kanyang tawag sa lalim ng gabi. "May itatanong lang sana ako sa'yo, Mars." "Ano 'yon?" tanong niyo mula sa kabilang linya. "Si Marco ba nandiyan sa bahay niyo ngayon?" Nagtataka si Martha sa kanyang tanong at naguguluhan ito kung bakit niya natanong ang tungkol sa asawa nito. "Oo. Heto, tulog na tulog," sagot naman kaagad nito. "Gabing-gabi na, honey. Sino ba 'yang kinakausap mo?" Narinig niyang tanong ni Marco mula sa kabilang linya at halata sa boses nito ang kagigising lamang. "Si Xia," sagot naman ni Martha sa asawa, "May problema ba, Xi?" tanong naman sa kanya ng kanyang kaibigan. "W-wala. Pasensiya na sa istorbo," nahihiya niyang saad saka agad niyang in-end ang kanyang tawag dito na siyang lalong ikinataka ni Martha. "Ano raw ang kailangan niya?" tanong ni Marco nang naibalik na nang maayos ni Martha ang phone nito sa ibabaw ng side table. "Tinanong niya ako kung nandito ka ba ngayon." Nagtatakang napatingin si Marco sa kanyang asawa habang nakahiga na ito sa kanyang tabi na katulad niya ay naguguluhan din ito. "Why she'd asked you kung nasaan ako ngayon?" Napapikit saglit si Martha sabay iling ng kanyang ulo. "Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi." "Hindi kaya umalis si Alex at ang akala niya magkasama kami?" Pinili na lamang ni Martha ang manahimik dahil sa totoo lang ganu'n din ang kanyang akala. Alam naman kasi nilang lahat na walang ibang maaaring pupuntahan si Alex kung sakali mang naisin nitong mag-hang-out maliban lang kay Marco. Magkasundo ang dalawang lalaki kaya hindi na imposible para kay Xia na si Marco kaagad ang nasa isipan nito kung sakaling hindi pa nakakauwi si Alex pero ang ipinagtataka ni Martha ay bakit dis-oras na ng gabi ay hindi pa rin umuuwi si Alex sa kanilang bahay. Nag-away ba ang dalawa? Pero tungkol naman saan? Ano naman ang dahilan? Mga katanungan na gustong itanong ni Martha sa kanyang kaibigan pero hindi niya magawa dahil agad naman pinatay ni Xia ang tawag nito sa kanya. Habang abala siya sa kakaisip sa posibleng dahilan kung bakit hating-gabi na ay napatawag pa si Xia sa kanila upang itanong kung nasaan ang kanyang asawa ay abala namam si Xia sa kabilang banda sa katatawag sa asawa. Halos ma-lowbat na ang kanyang phone sa katatawag niya kay Alex pero ni isa man lang sa kanyang tawag ay hindi man lang ito nag-abalang sagutin upang ipaalam sa kanya na okay lang ito. Hindi na napigilan pa ni Xia ang sisihin ang kanyang sarili. Kung hindi lang sana siya nakipagsagutan dito, malamang nasa tabi niya ngayon ang kanyang asawa at mahimbing nang natutulog. Hinintay pa rin niya ito kahit na wala siyang ideya kung uuwi pa ba ito o hindi pa. Hanggang sa nakatulog na lamang siya sa ibabaw ng sofa sa kahihintay niya sa kanyang asawa. Kinabukasan ay nagising siya nang maramdaman niya ang init ng sinag ng araw na tumatama s kanyang balat. Dali-dali siyang bumangon nang maaalala niya ang kanyang asawa. Agad siyang pumasok sa kanilang kwarto sa pag-aakalang makikita niya si Alex sa loob at hindi nga siya nagkamali, nakita niya itong nakahiga sa ibabaw ng kanilang kama at mahimbing na natutulog. Sa sobrang himbing ng tulog niya ay hindi tuloy niya namalayan ang pagdating nito. Nagluluto na siya ng magiging almusal nila nang nagising na si Alex. Pero laking pagtataka niya nang makita niyang bihis na bihis na ito at ready na para umalis papuntang kompanya. "Saan ang punta mo?" tanong njya rito at hinabol pa niya ito nang makita niyang naglalakad ito palapit sa kanilang main door. "Sa kompanya," sagot nito. "Ang aga pa, ah," aniya pero hindi nakinig sa kanya ang kanyang asawa. "Hindi ka na ba kakain?" tanong niya rito nang wala siyang tugon na natanggap mula rito. "Sa kompanya na ako mag-almusal," malamig nitong sagot sa kanya at nang akma na nitong buksan ang pintuan ay agad niya itong pinigilan sa braso nito. "Alex, pwede bang mag-usap muna tayo?" tanong niya rito pero dahan-dahan lang nitong binawi ang braso nitong hawak-hawak niya. "There's nothing we need to talk about." Nang aalis na sana si Alex ay muli niya itong pinigilan sa braso nito. "Sorry. Alam kong may mali ako kaya sorry," maluha-luha niyang saad. Napatingin sa kanya si Alex at ang sumunod na ginawa nito ay siyang hindi niya inaasahan. Napatawa ito ng pagak habang nakatingin sa kanya. "Sorry din," saad nito sa boses na para bang nanunudyo saka dahan-dahan na tinanggal nito ang kanyang kamay na nakahawak dito at walang lingon-likod na iniwan siya. Wala siyang nagawa kundi ang mapaawang na lamang ang mga labi habang pinagmamasdan niya ang kanyang asawang papaalis na. Napaupo na lamang siya at halos hindi niya maintindihan ang lahat pero kahit na ganu'n ay pinilit pa rin niya ang sariling magiging okay para sa kanyang trabaho. Kailangan niyang magpakatatag para makuha niya ang promotion at kapag nakuha niya, papatunayan niya kay Alex na hindi hadlang ang pinangarap niya para sa kanilang mag-asawa. Kinagabihan ay naghintay siya sa kanyang asawa sa labas ng kompanya pero halos mag-iisang oras na siyang naghintay ay hindi ito dumating. Sinubukan na rin niya itong tawagan pero hindi siya nito sinasagot hanggang sa nagpasya na lamang siyang mag-commute. Hindi naman mahirap ang mag-commute kaya ginawa na niya. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay inaasahan niyang makikita niya du'n ang kanyang asawa pero nagkamali siya dahil walang Alex siyang nadatnan sa loob ng kanilang bahay. Pati ang sasakyan nila ay hindi rin niya makita sa loob ng kanilang garahe. Sinubukan na naman niya itong tawagan but this time, his phone is off. Hindi na niya ito matawagan pa. Nag-aalalang napaupo siya sa sofa nila at kagaya ng ginawa niya kagabi ay hihintayin niya ito pero hindi ito dumating. Nakatulog siya sa kanilang sofa na hindi naghahapunan sa kahihintay sa pagdating ni Alex. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling kagabi?" salubong niya kay Alex kinaumagahan nang umuwi ito. "Do I need to tell all my whereabouts?" balik-tanong nito sa kanya. Agad siya nitong nilagpasan at ni hindi man lang siya nito hinalikan o binati man lang kagaya nang nakagawian nito. Agad niya itong sinundan at bago pa man ito nakapasok sa kanilang kwarto ay agad naman siyang nagsalita. "Hinintay kita kagabi pero hindi ka dumating," aniya pero hindi pa rin siya pinansin ng kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD