"Ano bang problema mo?!" bulyaw ni Xia sa kanyang asawang nagpupuyos pa rin sa galit. Pero, imbes na sagutin ang tanong nito ay walang ano-ano'y hinila niya ito sa kamay saka bahagyang kinaladkad palapit sa sasakyan. "Let me go!" sigaw nito habang nagpupumiglas. Kahit na anong pagpupumiglas na gagawin ni Xia ay talagang hindi siya hinayaan ni Alexander na makawala at nang nasa tapat na sila ng sasakyan ay bigla siya nitong pinangko at saka sapilitang ipinasok sa loob ng sasakyan. "Ano ba, Alex!" sigaw pa nito habang pinipilit na makawala pero wala na itong nagawa nang matagumpay siya naipasok ni Alexander sa loob ng kotse nito. Pero, bago pa man nakalapit si Alexander sa kabilang pintuan ng sasakyan ay mabilis naman siyang pinigilan ni Bernard sa kanyang braso at sa kanyang galit ay

