bc

My Son is Yours

book_age18+
63
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
opposites attract
pregnant
goodgirl
independent
like
intro-logo
Blurb

Matagal na panahon mula ng huling tumapak c Alaine sa Maynila,

Ninais nyang lumayo at kalimutan ang lugar na ito kasama ang isang lalaking nagiwan ng malaking marka sa buhay niya.Si Gab ang estrangherong gumising sa p********e nya ,ang lalaking nagbigay ng kakaibang saya kahit sa isang maiinit na gabi lamang.

Hindi niya akalaing ang taong pilit nya iniwasan ng mahabang panahon ay sya taong kelangan nyang hingan ng malaking pabor para madugtungan ang buhay ng mahal nya.

Ngunit paano nya gagawin un kung hindi naman sila magkakilala ni hindi nya alam kung natatandaan pa sya nito.

Lahat ay gagawin ni Alaine para makuha lang ang tulong nito , kahit magpapansin pa sya at mag kunwaring patay na patay sya dito.

Ngunit pano kung dumating na sa puntong hindi na pla pagkukunwari ang lahat at tuluyan na syang umibig sa lalaking ito.

Paano si Paco ang lalaking umalalay sa kanya at nagbigay importansya sa kanya sa mga panahong wala syang matakbuhan.

Pipilin ba nya ang taon tinitibok ng kanyang puso? o ang taong handang magsakripisyo sa para sa kanya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
 Nakatigtig sa kawalan si Alaine habang inaalala ang mga taong nakalipas mula ng huling siyang tumapak sa  Maynila,ang lugar na nagturo sa kanya ng maraming aral at nagmulat sa kanya sa lahat ng bagay habang pilit binubuo ang pangarap.  Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Alaine ng maalala ang mapait na bahagi ng kanyang buhay ang mga panahong hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang kainosentehan. Isang muka ang utiunting nabuo sa kanyang isipan ang muka ng lalaking kahit isang beses nya lang nakita ay hindi na mawawala sa kanyang memorya.Isang muka nakaukit sa kanyang utak ang muka ng lalaking may dahilan kung bakit kelangan nya bumalik sa lugar na ito.  Sari-saring emosyon ang sumukob kay Alaine at unti unting nagbalikan ang mga alalala kasabay ng mga usok at pulosyong hindi na nya kinasanayan. Ang mga ingay ng  paligid ,mula sa mga busina ng sasakyan ,mga tinderong kanya kanyang alok ng kanilang mga bilihin maging ang pagtawag ang mga kundoktor sa kanilang mga paasahero hudyat ng nalalapit na pagalis.Ganitong ganito rin ang senaryo nung unang tumapak ang kanyang mga paa sa Maynila.    "hoy! nanaginip ka ng gising"napaigtad si Alaine ng bunguin ng  kasamang lalaki ang balikat nya, matangkad ito at halos panga lang madalas mauna nyang makita dito kung hindi pa sya titingala ay hindi niya makikita ang gwapo nitong muka.  Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa maninipis nitong labi at sabay umakbay sa kanya "tara na at kung ano ano namang pumapaxok sa isip mo" Tumango si Alaine at sabay na silang naglakad palabas sa bus station.  Ng makasakay ng taxi tahimik lang c Alaine at nakadungaw sa labas bumungad sa kanya ang naglalakihang building tanda ng kaunlaran ng lugar.Nabusog ang kanyang mga mata sa mga istrakturang nasa paligid. Ng namula ang stop light ay huminto ang taxi ay natapat ito sa isang gilid kung saan mayroong mga naglilimos, isang pamilya ang kumuha ng kanyang attensyon  bakas ang kahirapan sa kanilang madungis at butas butas na damit , hawak ng nanay ang isang sangol na nakabalot sa isang manipis na tela habang akay ng tatay ang isa pang batang lalaki at nalalakad sa bangketa na nakalahad ang mga palad. Iniisa isa  nila ang mga saksakyang nakatigil at kinakatok ang mga bintana upang manghingi nga limos minsan pa ay inilalapit ang mga kamay sa bibig na animoy sumusubo ng kanin tanda na kaylangan nila ng pangkain. Ng matapat ang pamilya sa taxing lulan nila dumukot sya sa kanyang bulsa at binuksan ang bintana, inabot nya sa pamilya nagpasalamat ang mga ito at agad na ring umalis. Muli nyan itinaas ang bintana ng biglang nagsalita ang driver "naku mam wag nyo basta basta gagawin un, maraming loko loko dito sa maynila" diretso pa rin agn tingin sa kalsada at pinaandar ang taxi ng mag green ang stoplight. "ok lang un kuya muka naman silang mabait ,masaya lang akong makakita ng buong pamilya"tugon niya sa driver.  Napalingon sya sa lalaking kasama ng bigla itong huminga ng malalim, alam nya ang ibig sabihin nuon . Marami itong alam sa kanya dahil sa buong buhay nya ay ngaun lang sya nagkaroon ng kasamang tangap lahat ng kung ano sya , ang taong kahit makita lahat ng kamalasan sa buhay niya ay palagi pa ring andyan sa tabi niya ng walang hinihingin kapalit at walang pag huhusga.  "Im sory " iyon na lang ang huling salitang narinig sa sasakyan sa buo nilang byahe. Hangang makararting sila sa isang magarang building sa may Taguig. "Ito man.." hindi na nya natapos ang sinasabi ng biglang inabot ng lalaki ang 1000 sa manong  "keep the change manong" malaki ang ngiti ng driver kase naman nakita ko sa metro 600 lng ung pamasahe namin. Bumaba sya ng taxi para kunin ang mga gamit sa compartment pero naunahna syang bitbitin ang dalawang malaking bag.  Isa sa kanya at isa sa lalaki. Naglakad ito papaxok sa building na animoy wala lang ang bigat ng mga bag. Napamewang si Alaine habang tinitigan ang malapad nyang balikat papalayo sa kanya. Mejo lumalayo na ang kanyang bulto kaya nagmadali sya sundan sang lalaki  sa haba ng binti nito ay mga nga limang hakbang nya siguro ang isang hakbang lang ng lalaki. "Wooh"isang malalim at pamilyar na boses ang narinig ni Alaine ng makabungo nya ang isang lalaki. sumimangot ito at humarap sa kanya,"hindi mo ba nakikita ang dinaraanan mo ?"nakatagilid ito at hawak ang cellphone sa kanyang tainga at mukang may kausap. Humarap sito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Parang may kidlat ang tumama sa kanyan dibdib at biglang parang uminit ang paligid. Kilala ya ang mga matang un,hindi nya makakalimutan ang mga pares ng malulungkot na matang minsang napako sa  masuyong tumitig sa kanya. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata nya pero biglang ring nawala  binaba nya ang cellphone ngunit iniwas na ang tingin sa kay Alaine"Im sory" un lang sinabi niya agad na tumalikod sa kanya muling bumling sa  kausap sa telepono,"yes babe..yeah i know". Parang biglang bumigat ang mga balikat nya ng marinig ang mga salitang un, ano nga bang aasahan nya sa pitong  taong lumipas malamang mayroon na syang nobya at baka nga ikakasal na. Parang namamasa ang gilid ng ng kanyang mga mata pero hindi nya maintindihan ang mga emosyong biglang pumasok sa kanyan kalooban..Tumingala sya upang mapigilan ang pagbuhos ng mga patak sa kanyang mata. Bakit ganoon ang naramdaman nya,paano nya ito muling haharapin at sabihin ang katotohanan.Ano bang biro ng tadhana to,parusa ba sa kanya to sa pagkakamali nya ng mga nakaraang taon? Umikot sya at tinungo ang papasok ng building.Hinanap nya ang kaibigan at nakitang may kinakausap sa reception.Lumapit sya rito at bigla itong lumingon ng maramdaman ang presensya nya. "Ang tagal mo!" baling sa kanya "kinakabahan kase ako" tugon ko niya rito "ok then lets go heres your key" sabay abot ng isang card "salamat ah"umakbay ang lalaki sa kanya at inakay pa elevator. Wala na sa loob nya ang paglalakad parang naglalaho na rin ang mga bagay sa paligid, hindi nya alam kung bakit pero parang nawawala sya sa kasalukyan at hinahatak siya pabalik sa pitong taong nakaraan. Pumaxok sila ng elevator ngunit parang nakalutang pa rin sya at wala sa sarili. Tumunog elevator at tumingin sya sa paligid pamilyar ang lugar .  Maroong mayayabong ng puno at nakapaligid ang naglalakihang ma building.  Kahit saan ay maraming kabataan na may roong bitbit na libro ang iba ay nagkakantahan sa ilalim ng puno mayroong grupong maiingay mayroon ding subsub ang ulo sa  mga libro. Hindi sya nagkakamali , kilala nya ang panahon na ito.  This was the year when she is about to meet Gabriel Franco Del Gustavo ang lalaking kanina lang ay muli nyang nakaharap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
792.3K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

That Night

read
1.1M
bc

Married to a Cold Billionaire

read
131.6K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook