This chapter is dedicated to Sheena Mendoza Bayeta and Mary Jane Cariaga. Enjoy reading po! "What?" malditang tanong nito. Mabilis na iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Ang lakas at ang bilis nang t***k ng aking puso. Halo-halo ang aking nararamdaman. May takot, kaba at pagkagulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang dating kaibigan at ma s-stuck kaming dalawa rito. Base sa mukha nito ay parang hindi nito alam na na stuck kaming dalawa rito. Umirap ito sa akin at naglakad papunta sa lababo para maglinis ng kamay. Tahimik lang ako habang hinihintay ito na matapos. Sobrang awkward at hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko mabuka ang aking bibig para sabihin sa kaniya na nakalocked ang pinto mula sa labas at baka hindi kami makalabas. And worse ay baka dito pa kami mag gabi. Ayaw ko no

