Maagang gumising si Danica para maghanda ng makakain. Walang laman ang ref at naka off pa ito. Bumalik siya sa silid para kunin ang wallet, alas sais na ng umaga at mamay maya'y aalis na si Zandro para pumasok sa ospital sa Quezon City. She should at least prepare breakfast for them. Bumaba siya sa building ng condo at naglakad lakad, halos lahat ng kainan doon ay bukas na. Pinili niya ang isang chinese cuisine at umorder. Pagkatapos ng bente minutos ay paakyat na siya dala ang pagkain. Tulog pa rin si Zandro pagbalik niya sa silid. Sumandal siya sa hamba ng pinto at pinagmasdan ang malapad na likod nito dahil nakadapa itong natutulog. Broad shoulders, toned muscles, whiskers, deep-set brown eyes; ngayon lang niya napagmasdan ang lahat ng katangiang pisikal nito. Her heart overflowed wit

