Chapter 6

1078 Words
Maaga siyang nagpunta sa St. Luke's kinabukasan.  Alam niyang alas otso hanggang alas dose lang naman ang schedule ni Marco doon at sa hapon naman ay sa Makati Med.  Eksaktong alas otso ay nandoon na siya ngunit may dalawa nang nauna sa pila.  Umupo siya sa waiting area at matyagang naghintay.  Nang tinawag na siya ng sekretarya ay pumasok siya sa opisina ni Marco.  Isinara ng doktor ang pinto saka agad yumakap sa kanya.  "Congratulations, Danica, I’m proud of you."  Gumanti naman siya ng yakap sa ama at ngumiti.  "Thanks, Marco, salamat sa tulong mo."  Nakasanayan na nilang tawagin ang isa't isa sa unang pangalan upang hindi magkaroon ng pagkakataon na madulas siya o ito at marinig ng iba.  She knows her secretary and other hospital staff knows his wife and kids.  Sa tagal na ni Marco bilang Neurosurgeon doon ay magkakapamilya na rin ang turingan ng mga ito.  Madalas din ay bumibisita ang asawa nito doon at mga anak.  And they can't take any chances of getting caught. "I wish Bea is like you," ang bunsong anak nito ang tinutukoy.  "Mas matanda siya sayo pero di pa rin tapos ng pag-aaral.  Matapos mag advertising, management, cosmetology at kung ano ano pa."  Naiiling na lang ito habang naiisip ang anak. "Ganoon ho talaga siguro kapag maraming pera para mag-aral.  Ako'y kailangan kong samantalahin ang nag-iisang pagkakataon na makatapos ako."   May himig pagbibiro ang sinabi niyang iyon.  "Kahit sa maraming bagay ay talagang magkaiba kayo.  Siguro dahil lumaki silang lahat ay nabibili ng pera, they don't realize the value of money and hardwork.  Buti na lang at nasa amerika na ang isa kong anak at nakapag-asawa doon." "Bakit nyo nga ho pala ako pinapunta dito?" "I want you to work for me." Nagulat siya dahil hindi niya iyon inaasahan.  Bwan bwan ay dinadalaw niya ito ngunit bilang isang pasyente upang hindi magkaroon ng mga hinala ang makakakita sa kanilang dalawa. "Matanda na ako, Danica.  Malaki ang pagkukulang ko sa'yo at kahit paano'y gusto kong bumawi." "Napagtapos nyo na ho ako." "Responsibilidad iyon, Dani.  Pero bilang mag-ama ay hindi tayo magkakilala.  I don't even know your favorite food.  Kung dito ka magtatrabaho'y mapapalapit tayo sa isat-isa.  Sana'y hindi pa naman huli para maging ama sayo." "Kung ako ang tatanungin ay sapat na sa akin kung ano ang meron tayo, Marco.  Sa maikling panahon ay nakita ko ang kabutihan mo, at kung bakit napamahal si Mama sa'yo.  And I promise to visit you regularly katulad ng dati." "I wish to spend more time with you, Dani.  Nitong nakaraang bwan ay palagi na kaming nagtatalo ni Bea sa maraming bagay.  Matigas ang ulo ng batang yun at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.  While you bring sunshine to me,  lahat ng bagay sayo ay simple lang,  at lahat may kabuluhan.  Kapag ganitong edad ay hindi mo na nais ang madalas na pagtatalo lalo sa mahal mo sa buhay."  Tila lumamlam ang mukha nito habang ikinukwento ang relasyon nito ngayon sa anak.  Kung anuman ang pinagtatalunan ng dalawa ay hindi niya na dapat itanong.  Pero kung may magagawa siya para mapagaan ang kalagayan nito'y pwede naman niyang pagbigyan.  "Pero may secretary na ho kayo."  "Beth is leaving by the end of the month.  Nakahanda na ang ticket niya papuntang Canada dahil nandun ang parents niya.  It's better if you can start immediately.  "Magpapaalam pa ho ako sa boss ko.  I'll let you know when."  Sa labas ay kanina pa din naghihintay si Zandro.  Naka dalawang pasyente na siyang pinuntahan sa loob ng ospital at ididiscuss niya ito kay Marco pero ang sabi ng sekretarya ay naka lock ang pinto.  Na nakapagtataka dahil hindi naman ito nagsasara ng opisina kapag may pasyente.  "Matagal na ba ang pasyenteng sa loob?"  "May kalahating oras na."  Tinignan niya ang relong pambisig at saka naiinip na umupo sa receiving chair ng opisina nito.  Alas onse na, alas dos ang flight nila ng pamilya papuntang Malaysia at hindi siya kailangang mahuli.  Malayo ang Quezon City sa airport at kung traffic pa sa EDSA ay baka maiwanan pa siya. "You look impatient," sita ni Beth nang makitang hindi maipinta ang mukha niya. "I am.  I have to catch a flight at two o'clock at importante ang ipagkakausap ko kay Marco." "Maganda at sexy ang kausap niya ngayon, no wonder naka-locked ang pinto."  Alam niya kung ano ang ibig niyong sabihin. "Marco is over seventy years old, Beth.  Don't you think he's too old for that?  Isa pa'y hindi niya magagawa kay Belinda iyon."  Ang asawa nito ang tinutukoy niya. "But this one has a different charm.  Sa loob ng dalawang taon ko dito'y bwan bwan siyang nandito at laging closed-door ang meeting nila.  I know she's not Marco's patient dahil wala itong file dito sa opisina." Napakunot siya ng noo.  "Bakit hindi ko yata alam yan?"  Nagsimula siya bilang isang intern at assistant ni Marco at ngayon ay kalahati na ng pasyente ni Marco ay siya ang nagro-rounds.  Ikinukonsulta na lang niya ang ilang bagay na hindi niya kayang desisyunan tulad ngayon.  "Hindi ka naman madalas dito kung hindi mo lang kailangang makausap si Marco.  At tulad ng sabi ko kanina, laging closed-door ang meeting kapag ang babaeng iyon ang nasa loob, pagkatapos ay mabilis ding umaalis." "You got me curious but I really have to go."  Ang sabi ni Beth ay pangatalong pasyente pa lang ang nasa loob na iyon at may apat pang nakapila ngunit alas onse na.  Lumabas siya ng opisina ni Marco saka tumuloy sa katapat na elevator. Habang naghihintay na bumukas iyon ay palinga linga pa siya nagbabakasakaling lumabas ang doktor at makausap man lang niya kahit sandali.  Wala pa siyang isang minutong nakatayo doon ay lumabas si Marco kasama ang babaeng kasama nito.  Tila siya na estatwa nang makilala ang babae.  He wouldn't have mistaken her for someone else.  Ang tindig at kilos nito'y laging bumabalik sa kanyang balintataw kahit lumipas na ang dalawang taon.  Nakita niyang kausap ng mga ito si Beth, at hindi rin nakaligtas sa kanya ang kamay ni Marco na nasa bewang ni Danica.  Damn that woman! Nang bumukas ang pinto ng elevator ay napilitan siyang sumakay.  Bumilis ang kalabog ng dibdib niya at umiinit ang dugo niya sa nakita.  When he thought Danica was different from other women, tila mas masahol pa pala ito sa pagkaka akala niya.  "Maganda at sexy ang kausap niya ngayon, no wonder naka-locked ang pinto.."  Halos matanggal ang pinto ng kotse sa lakas ng pagkakasarado niya sa sports car dahil sa init ng ulo, ni hindi niya na nai-discuss kay Marco ang dalawang pasyenteng dinalaw niya ngayong umaga.  Paharurot siyang umalis sa parking at mabilis na pinatakbo ang kotse hanggang marating ang airport.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD