Chapter 5

1002 Words
Sunod sunod na ring sa cellphone niya ang nagpagising kay Danica. Tamad na sinagot niya iyon habang ang mata'y nakapikit pa. "I've been calling you for half an hour, Dani. Are you still sleeping?" tila pagalit na wika ng sa kabilang linya. Si Johnson iyon, ang manager sa fastfood na pinagtatrabahuhan niya sa halos dalawang taon. Ito ang nag suhestyon sa kanya na tawagin lang sya sa ganoong pangalan kahit pa nasa trabaho sila. "It's too early, Johns, alas dos pa ang shift ko." "That's why I am calling you, wala si Lydia ngayon at kailangan mong pumasok ng maaga," wika nito. Napamura siya ng lihim. Masakit pa ang ulo niya dahil sa paglabas nila kagabi ng mga kaibigan at alas dos na siyang nakauwi. "I can't, Johns, wala pa akong tulog halos. Alam mong nag celebrate kami ng mga kaibigan ko." Noong isang araw pa natapos ang graduation ceremony nila.  Nagtapos siya ng BS Management. Sa isang araw naman ay uuwi siya ng Batangas para makasama ang ina at doon magsi celebrate. Kahit paano'y unti unti na silang napapalapit muli sa mga kamag-anak doon at hinihintay sya ng mga pinsan niya sa susunod na araw. "You know you're a candidate for a management trainee, you need to show good performance, babe." Nilambingan nito ang boses saka nagpaalam na ibaba na ang telepono. Napasapo na lang sa noo. Tuwing maririnig ang salitang 'babe' ay si Zandro ang pumapasok sa isip niya. Why do men call babe when they have their own name? Padabog siyang bumangon sa double deck na kama saka kinuha ang twalyang nakasabit sa ulunan niya. Kung hindi lang si Johnson ang mismong tumawag sa kanya ay hindi talaga sya papasok ng maaga. Ito kasi ang General Manager at co-owner ng pinapasukan niyang fastfood chain. Sa halos dalawang taon niya doon ay mabilis niya itong nakagaanan ng loob. It's obvious that he likes her. Madalas itong magpahaging na hindi niya binibigyang pansin. Wala siyang balak makipagrelasyon kaninuman. Una ay gusto niyang mapakapgtapos ng pag-aaral. Pangalawa ay hindi pa rin niya makalimutan si Zandro. Gumawa muna siya ng matapang na kape para magising ang diwa. Apat silang nangungupahan sa boarding house na iyon na lahat ay nag-aaral pa. Maliit lang ang bahay na iyon at sa tabi ng kama ay naroon na rin ang mesang kainan at sa kabilang sulok ang lalabo at c.r. Mabilis siyang naligo saka isinuot ang uniporme. Isang sakay lang sa jeep ang layo ng boarding house at pinapasukang trabaho. Ngayong tapos na siya ay pwede na siyang mag-apply bilang manager kaya kailangan din niyang magapakitang gilas sa may-ari. Though Johnson speaks highly of her, ayaw naman niyang mabigyan ng malisya na kaya siya mapopromote ay dahil may gusto ito sa kanya. Pagdating niya sa work station ay kaagad naman naging abala sa kabila ng puyat. Naging twelve hours ang duty niya dahil kulang sila sa staff. "Ihahatid na kita." Wika ni Johnson na tila naghintay talaga sa kanya. Nakasandal ito sa kotse habang nakapamulsa ang kamay. Ang ibang crew ay kanya kanyang paalam na rin dito. "No need, Johns, hindi naman na mahirap sumakay dahil wala ng pasok ang mga estudyante." "I just want to drink coffee, samahan mo ako." Binuksan na nito ang passenger's side kaya sumakay na rin siya. Bata pa si Johnson, nasa trenta y singko pa lang. At dahil mayaman ang pamilya at mahilig pumasok sa kung ano anong negosyo ay nakapagpundar na rin ng mga ari-arian. Ipinark nito ang sasakyan sa isang sikat na coffeeshop sa may EDSA. Nang hawakan nito ang braso niya ay hindi siya tumanggi. Ang mga ganoong gestures nito ay kinasanayan niya na mula nang magtrabaho siya sa kumpanya nito. Umorder siya ng matapang na kape para mapanatiling gising ang dugo. Halos alas onse na ng gabi at ang gusto lang niya sa mga oras na ito ay ihiga ang sarili sa kama at matulog ng dose oras. Hindi rin biro ang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral at ngayong wala na siyang pasok sa eskwelahan ay balak niyang bumawi ng tulog. "Siguro naman ngayon ay pwede na akong manligaw, Dani." Nakaupo ito sa tabi niya imbes na sa harap. Hindi naman siya naiilang dahil araw araw naman halos niya itong kasama sa trabaho. "Wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan Johns." "Oh c'mon, Dani, are you rejecting me already? Yan na lang ang naririnig ko sayo palagi," tila pagtatampo nito. "Boss kita, Johns, ayokong haluan ng ibang bagay ang relasyon natin," matapat niyang sabi. That's the safest answer she can give at least. Pero hindi talaga niya nakikita ang sarili na kahalikan ito. She laughed silently. Kung bakit iyon ang batayan niya sa pakikipag relasyon ay hindi niya alam. Zandro was a good kisser but that didn't mean he was into a serious relationship. Pero mahirap yatang makipagrelasyon kung wala kang maramdamang excitement kapag hinalikan ka niya. "I am not giving up. Kung sa tingin mo'y hindi ka pa handa maghihintay ako." "Lumalakad ang oras Johns, baka hindi lang talaga ako ang para sayo." "May boyfriend ka na ba?" "Alam mong wala pa." "Baka inililihim mo lang? Alam kong marami ang nanliligaw sa'yo sa university." "Sasabihin ko naman kung meron. At kung meron nga, bakit ko naman ililihim?" "Then there's no reason that I should stop. Isang araw magkakagusto ka rin sa kin." Ngumiti na lang siya dito saka nagyaya ng umuwi. Habang nasa sasakyan ay saka niya naisipang buksan ang telepono. Nagulat siya ng makita ang apat na miscalls doon, kilala nya ang landline na nakaregister sa screen. Ang opisina ni Marco Solivan. "Pwede na ba akong pumasok ng second shift bukas?" tanong niya kay Johnson. "Yes. Papasok na si Lydia bukas. Why?" "May lakad lang ako sa umaga." Hindi niya idinetalye dito kung ano iyon. Sa napakatagal na panahon ay pinanatili niya ang sikreto nilang mag-ama kahit pa tinustusan nito ang pag-aaral niya. At kahit hindi naman ito kilala ni Johnson ay mas pinili niyang huwag na lang ikwento dito o kahit kanino ang tungkol sa buhay niya. "Sure, as long as papasok ka sa hapon. Alam mo namang hindi buo ang araw ko kapag hindi kita nakikita." Muli siyang natawa sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD