CHAPTER -1
"Ano na naman itong ginawa mo Paulo naki pag away ka na naman? At tingnan mo yang mukha mo. Mukha paba yan ng matinong abogado?! Wala ka ng ibang ginawa. Kung hindi Babae ay puro gulo ang inaatupag mo! " mahabang litaniya ni Donya Paulyn sa Anak
Habang si Paulo naman ay parang batang pinapagalitan ng magulang. habang ito ay naka talikod sa kaniya. At siya naman ay nag ma-make face lamang
"Paulo! "Sigaw ng Daddy niya
"What!?" Asar na sagot niya.
"Umayos ka! " saad ng daddy niya. Marahil ay nakita nito ang pag ma-make face niya habang naka talikod ang mommy niya
"Tssk ewan ko sa inyo ako nalang palagi ang nakikita niyo! " saad niya at tinalikuran na ang mga magulang
Siya si Paulo Santiban ang pangalawang anak nina Paulyn at Pablo Santiban. Siya ay isang miyembro ng grupong Otso Apolo kung saan ay TRES ang tawag sa kaniya ng mga barkada niya. Ang pagiging Abogado niya ay tanging panlibangan lamang niya at ginagamit niya lamang iyon satwing siya ay nasa mission ng apolo. Sa walong mag kakaibigan ay siya ang binansagang Womanizer ng Barkada. Hindi Pa siya nagka Girlfriend o sumeriyoso lamang sa isang babae. Tanging isang laruan lamang sa kaniya ang babae. Pagka tapos niyang gamitin ay parang basahan niya lamang itong iniiwan. Wala siyang ibang ginustong babae maliban lamang sa isang taong pinangakuan niyang pakasalan. Iyon ay walang iba kundi si Joy. Ang babaeng matagal na niyang hinahanap, si Joy ay isang kababata niya anim na taon gulang Pa lamang siya ng huli niya itong makita. At mula nuon ay wala na siyang naging balita sa kababata at hanggang ngayon ay umaasa parin siyang mahahanap niya si Joy.
"Hello Brad nasan ka? " tawag niya sa kaibigang si Kiel. Pag pasok pa lamang niya ng kaniyang kuwarto ay naisipan niyang tawagan ang kaibigan. baka sakaling meron itong alam na puwedeng maka tanggal ng sa kaniyang init sa ulo
"Nandito ako sa bahay ni Romuel bakit ba?" Sagot ng nasa linya
"Tssk nag lalaro nanaman kayo ng billiard...hmm nothing bye! " balewala niyang sagot at ibinaba na ang tawag.
--
"Tumakbo kana bilis! " malakas na sigaw ng lalaki sa batang babae habang ito ay sugatan
Umiling naman ang batang babae habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga Luha. "Hindi kopo kayo iiwan...tumayo napo kayo nandiyan napo sila" saad ng batang babae habang patuloy sa pag hila sa kamay ng lalaki. Hindi ito maka tayo dahil naipit sa ilalim ng kotse ang paa nito.
"Sige na please makinig ka. Ito isuot mo ito. Ingatan moyan...takbo na bilis iwan mona ako...ikaw lang ang tanging pag asa ng kompaniya kaya tumakas kana! " singhal Pa ng lalaki kaya naman ay wala ng nagawa ang batang babae kundi ang tumakbo nalang palayo sa pinang yarihan ng aksidente upang hindi siya mahuli ng mga taong gusto silang patayin. Ngunit sa kaniyang pag takbo ay isang malalim na bangin ang hindi niya namalayan at tuluyan siyang gumulong paibaba
"AHHHH! " malakas na sigaw ni Anne kasabay ng pag bangon niya mula sa pagkaka higa.
"Anak kanina Pa kita ginigising. Bina bangungot ka na naman anak " nag aalalang wika ng nanay Teresa niya. habang pinupunasan nito ang pawisan niyang mukha
Bumaling siya dito habang luhaan ang kaniyang mga matang tumitig sa kinilalang ina "Nay paulit -ulit lang po ang mga panaginip ko. Pero hanggang ngayon po natatakot parin po ako. Pakiramdam kopo ay Totoo lahat ng nasa panaginip ko" umiiyak niyang Wika habang naka yakap na siya sa nanay Teresa niya
"Panaginip lang iyon anak. Bumangon kana hindi ba't may pasok kapa? " ani ni aling Teresa kaya napayuko ng ulo si Anne
"Umalis napo ako duon Nay ang bastos ng amo Kong lalaki. Ayun sinapak ko!... Huwag po kayong mag alala Nay hindi naman po ako nasaktan. Saka mamaya po ay mag hahanap ulit po ako ng Trabaho " saad ni Anne ng mapansin niya ang pag-alala sa mukha ng Ina
"Anak pasensya kana ha. Kung masiyado ako nagiging pabigat sayo. Pag pasensyahan mona ang nanay " malungkot na wika ni Aling Teresa
Meron itong Stage-2 breast cancer. Kaya ng malaman ni Anne ang kalagayan ng nanay Teresa niya ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Labing-walong taon gulang Pa lamang siya ay pinasok na niya ang mga trabahong mahirap na hindi dapat sa katulad niyang Babae. Tulad na lamang ng pagiging Kargador ng mga semento, Bigas at iba pa. Naging mekaniko, tendera sa palengke at ang pang huling trabaho niya ay sa Restaurant ngunit umalis siya hindi dahil konti ang sahod kundi binastos siya ng may-ari kaya hindi siya naka pag pigil ay Sinapak niya ito. Kung ano anong raket na ang pinapasok niya at kahit gaano Pa iyon kahirap basta Legal at marangal ay Papatusin niya. Ang mahalag lamang sa kaniya ay ang maka ipon ng pera upang maipagamot niya ang nanay Teresa niya. Ito lamang ang meron siya kaya lahat gagawin niya gumaling lamang ito.
"Nako ang Nanay ko talaga sinumpong nanaman ni Nora Onor .nanay huwag mo po sabihin yan, dahil kahit kailan ay hinding hindi po kayo magiging sagabal at hindi po kayo pabigat dahil sobrang mahal na mahal na mahal kopo kayo nanay at lahat po gagawin ko upang gumaling lamang po kayo. Kaya huwag napo kayo mag drama. Nako napaka aga nag-iiyakan nanaman tayo. "Mahabang wika niya at niyakap si Aling Teresa.
Habang kumakain silang mag-ina ng almusal ng may biglang kumatok sa Pinto ng bahay nila .kaya naman ay ibinaba niya muna ang basong may lamang kape pagka tapos niyang inumin iyon
"Ako napo ang mag bubukas Nay" aniya ng makitang akmang tatayo na si Aling Teresa upang pag buksan ang kumakatok
"Magandang umaga ho Aling Teresa. Goodmorning Frieny" bati sa kanila ng kaniyang kaibigan na si Nestle
"Magandang umaga rin iha pasok ka" naka ngiting sagot naman ni Aling Teresa.
"Oh Nes anong atin? Umagang umaga ah" wika niya sa kaibigan
"Alangan namang Gabi. Heler! Parang hindi kana nasanay Frieny. " wika naman nito..
"So ano nga yun? anong sadiya mo? Hindi ka naman pupunta dito ng walang dahil diba maliban sa makikikain ka" aniya
"Oh Aling Teresa itong tomboy niyo pong anak inaaway ako" wika naman ni Nestle at nag baby talk Pa ito
"Haayst ko sayo." Aniya at uminom ng kape
"So Heto nanga Girlalu. Pinapunta ako ni Ate dito dahil hindi daw muna siya makaka pasok sa kaniyang trabaho. Kaya naman ay baka daw gusto mong umekstra kahit Apat na oras lang. Ano game ka? " wika ng kaibigan sabay subo nito ng pandisal na may palamang bihon
"Saan ba nag tatrabaho si Maricar? At magkano naman ang ibabayad saakin sa Apat na Oras na 'yon? " aniya at tukoy sa kapatid ng kaibigan
"Sa PS Hotel. At Lilinisin lang daw ang isang condo unit . Hindi ko alam kung magkano basta hindi bababa ng Five Thousand. galante daw kase ang may Ari. Kaya go kana Frieny ang laking Grasiya na'yon " wika ng kaibigan na ikina maang naman niya.
'Apat na oras lang meron ng 5 Kiyaw' ani ng kalooban niya. Tutal ay napaka laking tulong narin iyon pang bili ng gamot ng nanay Teresa niya.
"Sige sabihin mo kay Maricar pumapayag na ako " aniya
"Ito na kaya? Room 206 ito na nga siguro "saad ni Anne habang naka tingin sa Room number na naka dikit sa harapan ng pinto. Kasalukuyan na siyang nasa PS Hotel upang simulan ang apat na oras na trbahong tinanggap niya
Kumatok muna siya ng tatlong beses. Ngunit wala parin nag bubukas. At dahil hindi naman naka lock ang Pinto ay dahan dahan siyang pumasok sa loob.
Nang may bigla siyang naaninag na Dalawang Anino ng tao . Ang isa ay satingin niya ay naka talikod habang hawak ng isa ang buhok ng babae habang paatras abante ang katawan ng nasa Likod at pinag papalo nito ang babae sa likod. Rinig na rinig niya ang halinghing ng dalawang tao na 'yon.
Sa sobrang pag tataka niya ay pumasok Pa siya hanggang sa marating ng mga paa niya ang kina roroonan ng dalawang tao "AHHH KABAYONG MAG KA PATONG!" malakas na sigaw ni Anne dahil sa kaniyang nasaksihan kasabay ng pag hulog sa sahig ng mga dala niyang pang linis
Nagulat naman ang dalawang tao at mabilis na tinakpan ng babae ang katawan nito. Habang ang lalaki naman ay tiim bagang na nag lakad at tumayo sa harapan ni Anne habang naka hubad parin ito. Kaya kitang kita ni Anne ang galit na galit na alaga ng lalaking nasa harapan niya.
"Damn sino ka? At bakit ka pumasok tanga kaba! Hindi kaba marunong kumatok! " galit na wika ng lalaki. habang si Anne naman ay natitigilan paring naka titig sa Batutang gustong manakit
Sinundan naman ni Paulo kung saan naka titig ang babae. At ganun na lamang ang pagka pahiya niya ng makita kung ano ang tini titigan nito. Walang iba kundi ang kaniyang bestfriend, mabilis niyang itinakip ang mga palad niya sa kaniyang alaga at nag galit galitan sa babaeng kaharapan, Upang hindi nito mahalata ang pagka pahiya niya.
"Hey St*pid! Bingi kaba? ---
"Ay Kabayo ka! " gulat na wika ng babae
"Ah ano... Ano kase.. Ano eh pasensya na kanina Pa kasi ako kumakatok sa labas. Hindi naman naka lock ang Pinto kaya ---Teka anong Tinawag mo saakin? Tinawag mo akong Stupid!? " saad ni Anne sa tonong nairita at kahit pulang pula parin ang kaniyang pisngi at Shock parin sa mga nasaksihan ay pinilit niyang magising normal sa harapan ng mala Adonis na lalaking nasa harapan niya.
"Tsssk St*pid nanga bingi pa! get out! " ani ni Paulo sabay turo ng Pinto.
"Kayo ang lumabas. Nandito ako upang mag trabaho . Umalis na kayo dahil mag lilinis na ako. at mag bihis kanga impakto ka! at huwag mo ako matawag tawag na stupid! Anne ang pangalan ko kuha mo! " inis na wika ni Anne at namewang Pa sa harapan ni Paulo.
"Wala akong pakealam basta lumabas ka! Alis! " singhal pani Paulo sa babae
"Sige aalis ako. At dahil sinayang niyo ang oras ko at hindi na ako maka pag linis ay pa iskor muna! " saad ni Anne sabay Tuhod sa maselang parte ni Paulo. At kahit hawak pani Paulo ang kaniyang alaga ay sobra parin siyang namilipit sa sakit dahil sa lakas ng pag kakatuhod sa kaniya ng babae.
"Ahhrg Fvck you may araw karin! " daing ni Paulo habang naka tanaw na sa babaeng kumaripas ng takbo.
//continue