"Mukhang malalim ang iniisip mo, Lorenzo?" tanong sa akin ni mang Caloy. Napansin pala niya na tila wala ako sa aking sarili. Nakatayo lamang ako sa labas habang humihitit ng sigarilyo. One stick to lessen the stress I'm feeling right now. "Wala ito mang Caloy. Pumapatay lang ako ng oras..." kaila ko sa napansin niya. I don't really smoke. Kapag lang may gumagambala sa akin na isipin. And this time it was Luna. Lagi naman. Hindi ko pa siya nakikita ay siya na ang laman ng isip ko. "Medyo hindi nga busy ngayon. May pagkakataon talagang ganito," sabi niya. Tinapik ang balikat ko bago siya bumalik sa loob. May ibang tauhan naman sila mang Caloy. Pero pang sa grocery store lamang. Like cashier and stocker. Mga bata pa kasi at parang mga estudyante lang. Isang linggo na rin ako sa kanila.

