Napakainit niya ngunit tila nakisabay ang init ng aking katawan sa pagdaiti niya sa akin. Balot na balot naman siya at hindi kagaya ng mga babaeng kasama ko sa pagmomodelo at pictorials na halos hubad na pero ang hatid ni Luna sa katawan ko ay kakaiba. Ginigising nito ang natutulog kong pagnanasa na pilit kong kinokontrol. Sh!t, I hate myself having this feeling. I hate her but then, I like being near her. May gayuma yata talaga ang babaeng nasa tabi ko. Her scent, her lips, her smooth and soft body. Lahat ng iyon ay mga bagay na gumagambala sa sistema ko. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya dahil ramdam ko pa ang panginginig niya. Balak ko lang naman yakapin siya hanggang sa kumalma siya ngunit hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako sa tabi niya. Habang yakap siya ay napahimbing

