Mabilis akong umalis upang lumayo kay Lorenzo. Hindi ko alam ngunit sa tuwing kasama ko siya at kausap ay nasasabinko ang mga bagay na kinikimkim ko sa aking sarili. Mga salitang ninais kong sa sarili na lamang. "Nay?" Umangat ang tingin sa akin ni Elias kaya naman tumalikod ako at kunwaring may kukunin. Ayaw kong ipakita kay Elias na umiiyak ako. Umiiyak muli ako na wala naman talagang dahilan. "Wala nga ba Luna? Kung wala? Bakit apektado ka sa presensiya ng lalaking bigla na lang pumasok sa buhay ninyong mag-ina," usig ng konsensiya ko. "Sa kuwarto lang ako. Magtutupi ako ng mga natuyong damit," sabi kong pilit pinakalma ang sarili. Hindi dapat malaman ni Elias na muli, nahihirapan ako. Umupo ako sa katre at nagsimulang magtupi. Ngunit napapatigil ako bigla. Napapaisip. Tama bang

