Nang makauwi ako ay hindi ako pinapansin ni Elias. Nakasimangot ito at matalim ang tingin sa akin habang kumakain kami. Natatawa na lamang ako dahil alam na alam ko ang dahilan. "Hey! Kung nakakamatay ang tingin baka kanina pa ako bumulagta sa harap mo..." sita ko sa kanya na lalo niyang ikinasimangot. "Bakit mo pinuntahan si titser Sugar, kuya? Bakit bigla kang naging mabait sa kanya?" tanong niyang hindi man lang kumurap. "Hey-hey, dati na akong mabait..." "Basta...sagutin mo ako, kuya!" demand niya. Gusto kong matawa sa ginagawa na niyang interogasyon sa akin. Pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka lalong umusok ang ilong niya at teynga dahil sa nararamdamang tampo. Magalit pa nang tuluyan sa akin. "Akala ko ba si nanay ang liligawan mo?" tanong niyang ikinasamid ni Lun

