“HINGANG-MALALIM.” Inirapan niya si Dominic. Sakay na sila ng 4x4 jeep para sa sand dunes ride nila. Sila na ang susunod na aandar. Ang mga pabalik na ay pawang nagtitilian. Nahawa siya sa excitement ng mga iyon. “Nakasakay lang tayo dito. Ang OA ko naman pag ganoon,” sabi niya dito. “You won’t forget this ride,” sagot naman nito. “Ma’am, kapit lang pong mabuti, ha? Sir, alalay na lang po tayo kay Ma’am,” paalala sa kanila ng driver nang magsimula na itong umandar. Natambad sa kanila ang isang napakalawak na sand dunes. Maayos lang ang takbo nila noong una. Pero mayamaya ay nagbago na ang andar nila. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang klase ng sasakyan nila. “Byaheng off-road na,” sabi ni Dominic. Natatagtag sila pero sadyang walang upuan ang likuran ng jeep. Ang

