Part 53

1242 Words

HINDI gusto ni Dominic ang pakiramdam na nagising siyang nag-iisa sa kama. Kalat na kalat na ang liwanag sa buong kuwarto. At iba rin ang pakiramdam niya sa katahimikan ng paligid. “No,” may diin na sabi niya at saka bumalikwas ng bangon. Wala siyang natatanaw na kahit anong gamit ni Kitkat. Kakaiba din iyon. Nasanay siyang kung saan lang ito magbaba ng bag nito. Inilang hakbang nila ang maliit na walk-in closet. Gamit na lang niya ang naroroon. “s**t!” Nagmamadali siyang nagbihis at bumaba. “Nagpahatid siya sa terminal ng bus kanina,” sabi agad ni Manong Tony nang makita siyang papalapit. Pinagmasdan siya nito. Hindi nagbago ang ekspresyon nito kahit na nang tumiim ang anyo niya dahil sa narinig. “May pinagtalunan daw kayo at kailangan na niyang umalis. Ayoko namang makialam sa inyo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD