Part 19

1924 Words

  KUNG SI Dominic lang ang masusunod ay hindi siya papasok sa eskuwela. Ayaw din niyang iwan ang inay niya pero ipinagtulakan siya ng ama para pumasok. Madaling nahalata ni Kitkat na matamlay siya. “Malubha si Inay,” sabi na niya agad dito hindi pa man ito nagtatanong. “Kailangan daw niya ng kidney transplant. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Itay. Sabi niya siya ang bahala pero nag-aalala pa rin ako.” Hinagod ni Kitkat ang balikat niya. “Huwag kang masyadong mag-alala. Mag-pray tayo para gumaling ang inay mo.” Bakas ang simpatya sa tinig nito. “Thanks, Kat.” Ngumiti siya dito bagaman malungkot pa rin. “I’m here for you, Dom. Walang iwanan.” “Walang iwanan,” ulit niya. “Oo naman. Pangako iyan.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Pangako.” Namayani ang katahimikan sa pagitan nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD