IPINARADA ni Doming ang Honda Accord sa gilid ng kalsada at pumasok sa Villa Lucila. Isa sa pag-aari ng pamilya ni Mayor ang lugar na iyon subalit napabayaan na. Mas kilala na ng mga nakakabatang henerasyon na Haunted House ang lugar na iyon kesa sa naka-ukit sa gate na VILLA LUCILA. Itinulak niya ang kinakalawang ng gate at bitbit ang isang malaking galon na pumasok siya. Sa lahat yata ng pag-aari ng mga Montero ay ang lugar na iyon ang tuluyang napabayaan. Malawak ang bakuran at grandiyoso ang inaanay nang villa. Ayon pa sa kuwento ng mga matatanda ay madalas noon ang mga piging sa naturang villa. Karaniwan ng bisita ang mga may sinasabi at maimpluwensya sa lipunan, kasali na ang nasirang Presidente Quezon. Para kay Doming, hindi nga imposibleng nangyari iyon. Bakas sa mga lumang laraw

