MAGKAHAWAK-KAMAY silang naglakad. Mabagal lang ang mga hakbang ni Dominic, kabaligtaran sa inaakala niyang halos magtatatakbo sila sa pagbalik sa hotel. Pakiramdam niya ay pagpapawisan siya sa excitement. She could feel the delicious tingle on her spine. Pero ang loko, kalmadong-kalmado lang. Ayaw naman niyang magpahalata na atat na atat siya. Umagapay siya sa lakad nito. For a while, they were just walking in comfortable silence. Pero hindi siya nakatiis nang sa beach ang maging direksyon ng mga paa nila. “I thought we’re going back to the hotel,” sabi ni Kitkat. “Baka magtampo sa atin ang dagat,” he said casually. “Mas lalo tayong dapat bumalik sa hotel. Hindi tayo nakapampaligo.” I thought we are going to make love, she wanted to say aloud. Don’t tell me our first time will be in a p

