SHE WAS more than ready. Matapos sindihan ang mga kandila ay naupo na si Kitkat sa love seat. Walang iniwan sa isang modelo sa photo shoot ang pagkakasandal niya pati ang pagkatang ng braso niya sa arm rest. Sexy din ang pagkakaunat ng isang hita at binti niya habang nakapailalim naman doon ang isa pa. Sa pose niyang iyon, mas lalo pang lumilis ang maigsing nightie na suot niya. Tamang-tama talaga na kasali iyon sa empake niya. Ngayon na lang niya na-realize na iyon nag magiging main event ng dalawang linggong excitement niya. Inayos niya ang laylayan niyon. Litaw ang mabibilog niyang hita pero tiniyak na hindi makikita ang katernong panty. Leave some for mystery, paalala niya sa sarili. Mauubos na ang thirty minutes. Parang nararamdaman na niyang nariyan na rin si Dominic. Her n*****s b

