PAKIRAMDAM ni Dominic ay lumiwanag pa ang paligid niya na higit sa sikat ng araw nang makita si Kitkat na nakaabang sa kanya at maluwang ang pagkakangiti. Kumaway pa ito nang magtama ang paningin nila bago nawala sa bintana kung saan ito nakadungaw. Eksaktong nasa tapat siya ng gate ng bahay nito ay saka naman ito papalabas ng bahay. Mukhang lakad-takbo pa ang mga hakbang nito. “Dom!” excited na bati nito at maluwang na binuksan ang gate. Parang naka-freeze lang ang ngiti niya. Hindi siya magtataka kung nawala sa tamang lugar ang puso niya dahil kanina pa halos mag-tumbling iyon dahil sa matamis na ngiti ni Kitkat. “Uy, halika na! Pasok na!” natatawang sabi nito sa kanya at inakay pa siya. Napakamot siya sa batok. “Parang nahihiya ako.” “Loko mo. Ngayon ka pa ba mahihiya? Huwag kang m

