BOOK 2: CHAPTER 69

3841 Words

CHAPTER 69: Nate At Chelsa Laban Kina Bangis, Togo At Karayo   INANGAT NI KARAYO ang kanyang sandatang maso at itinutok sa akin. “Ako ang atervhi ng mga bulkan ng kaharian ng Ezharta! Ako si Karayo!” Ang laki ng boses niya. Akma sa laki niya. Parang mas matangkad pa siya kay Bangis at malaki pa ang katawan katulad ni Togo. Mas nakakatakot siyang tingnan sa dalawa at kalbo pa. At bakit siya nagpapakilala? Eh, kilala na namin siya. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa aking sangtron. Tiningnan ko si Chelsa, tumango siya. Ibig sabihin, handa na rin tulad ko. Dahil nararamdaman kong ano mang segundo ay mag-uumpisa na ang laban namin kontra sa tatlong atervhi. Gumagapang na ang pitik ng mga kidlat sa itim na sandata ni Chelsa. “Hinahamon ko kayong dalawa sa labang ito!” muling sigaw ni Karayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD