CHAPTER 3: Si Reyna Kheizhara MAY PINASUKAN KAMING silid ni Pinunong Kahab. Maganda ang pintong pinasukan namin na may nakaukit na pakpak ng paruparo o pakpak ‘yon ng diwata, kasi halos nahahawig ang mga pakpak ng diwata sa mga paruparo na may mga pattern na design. Nang itulak ni Pinunong Kahab ang pinto, akala ko may makikita akong nakakamangha na naman. Pero isang bakanteng silid ang tumambad sa ‘kin – silid lang talaga na walang kung ano mang palamuti. Mataas ang silid at may liwanag sa taas na hindi ko gaanong maaninag ang kisame. Kung kanina, walang kaba sa dibdib ko kahit pa medyo nawerdohan ako sa biglang pagiging seryoso ni Pinonung Kahab, ngayon, nagdagsaan ang kaba sa dibdib ko nang magsara ang pinto ng bakanteng silid. At mas lalong lumakas ang

