CHAPTER 6: Si Bangis, At Ang Nakaraang Buhay MULING NARITO AKO sa isa sa mga tore ng palasyo sa mataas na bahagi ng beranda. Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa pader habang tahimik lang na pinagmamasdan ang kalangitan. Presko ang hangin at hindi pa gano’n kainit ang sikat ng araw. Hindi pa rin gano’n ka-stable ang t***k ng puso ko at ang paghinga ko. s**t kasing panaginip ‘yon! Nagising akong sumisigaw at pawis na pawis. Naalimpungatan pa sina Rama at Shem-shem na kasama ko sa kuwarto. Sabi ko na lang isang masamang panaginip lang at hindi ko na ikuwenento pa. Tumayo ako at muling pinagmasdan ang magandang paligid – ang nakakamanghang kagandahan ng Kaharian ng Ezharta. Kahit papaano nababawasan ng mga natatanaw ko ang pag-aalala ko. Pero bigla rin bubulusok sa dibdib ko ang pangamba

