CHAPTER 80: Itim Na Halimaw UMATRAS KAMING LAHAT na nakapaikot sa halimaw upang makabuwelo sa pag-atake nang buo na itong magpakita. Isang higanteng itim na halimaw. Umungol ito nang malakas, at kasabay na umungol ang libo-libong tinig. Nangilabot ako nang mapagmasdan ito, ‘di ko napigilan na hindi tayuan ng balahibo dahil sa anyo nito. Ang s**t niyang tingnan! Anyong hubad na lalaking may malaking katawan na nasa labimpitong palapag ang taas, itim ang balat, may patulis na mga tainga, pakurbang dalawang sungay, may mahabang itim na itim na buhok na sinasayaw-sayaw ng hangin na aabot na sa tuhod nito ang haba, may apat na kamay na may matatalim na kuko sa mga daliri at ganoon din sa daliri ng dalawang paa nito, walang mukha at mabuti’t walang aring makikita, at may mahaba itong buntot na

