CHAPTER 79: Delubyo Sa Kaharian NAGHANDA ANG ATERVHING si Rangawey na lumusob upang tulungan ang pangkat ng mga habo laban sa mga Ezharta nang hindi na umahon ang atervhing si Togo mula sa ilalim ng dagat mula nang hilahin ito ng halimaw na pugita. Nilabas ng atervhi ng dagat ang kanyang sandata. Ngunit bago pa man ito makaalis, naging itim ang tubig sa paligid kung nasaan ito. At mula sa malawak na maitim na tubig ng dagat ay umahon ang isang halimaw kagat ang putol na galamay ng pugita, at umungol ito nang napakalakas. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Rangawey. Hindi nito inasahan na makita ang pamilyar na halimaw na matagal na nitong hindi nasilayan. Ang pag-itim ng tubig ay sanhi ng tinta ng halimaw na pugita. Na kagagawan ng halimaw na berdeng uso, ang atervhing si Togo. Upang m

